CHAPTER 45

958 37 0
                                    

Chapter 45

Dalawang araw pa lang akong nandito sa Manila pero hindi ko na makayanan ang pagka-miss ko kay Aquila. Sa’tuwing wala akong ginagawa, iniisip ko ang anak ko kung ayos lang ba siya at kung ano ang ginagawa niya. Alam ko namang maayos siya dahil nandoon si Tita at si nanay Rona na magbabantay sa kanya. Ngunit bilang isang ina, hindi naman talaga ‘yon maiiwasan. Palagi ko naman siyang katawagan at kahit sa cellphone ay bibong-bibo parin ang anak ko. Sadyang gusto ko lang talaga siyang mayakap ngayon.

I don’t know why I’m feeling this but I really need my daughter right now. She’s my salvation for everything. Kaso hindi naman ako p’wedeng umuwi ngayon dahil marami pa akong aasikasuhin dito.

Kagabi ay natapos ko na ang mga dapat pirmahan ni Casper at mamaya lang ay aalis na ako para pumunta sa kanyang kompanya. Nasasabik akong makita si Caleb na alam kong pinaghahandaan ang araw na ‘to. That child seems so fond of me kahit hindi pa naman kami masyadong magkakilala. Gusto ko siyang tanungin kung nasaan ba ang mommy nito dahil parang si Casper ang palagi nitong kasama.

This is just my guts telling me this but, something bad happen between them, right? Tsaka bakit ko ba ‘to iniisip?

Napailing ako at binilisan ang pagluluto. Inihain ko ito sa mesa at nakipag-face time kay Tita na si Aquila naman ang sumagot. Alam kasi nitong ako palagi ang tumatawag kaya halos siya na ang nakahawak sa cellphone ni Tita.

“Mommy! I missed you!” tili nito sa kabilang linya na nagpagaan sa puso ko. Boses pa lang niya ay tila pinapawi na ang pagod ko.

“I missed you too, Aquila. One more day and I’ll be home. Wait for me, okay?”

Humagikhik ang bata habang tumatango-tango.

“Puntahan nalang po kita diyan, mommy.”

“You know you can’t do that.” I said. “just be a good girl there and I’ll give you a lot of treats. Uuwi naman agad ako bukas.”

Her lips protruded. A hidden teasing smile were on her lips.

“See you soon, mom!”

Kumunot ang noo ko sa ka-weirduhan ng anak ko pero hinayaan ko nalang dahil palagi naman siyang ganito. She’s mysterious sometimes at hindi ko alam kung saan niya ‘to natututunan. Wala namang nagtuturo sa kanya.

Habang kumakain ay si Aquila lang ang kausap ko. Panay kwento nito kung gaano siya kabait habang wala ako. Sa kakulitan ba naman ng anak ko, hindi ako sigurado kung natupad nga ba niya ang paalala ko.

“Mom, I also want to tell you something.” Ang anak ko na biglang sumeryoso habang abala ako sa paghugas ng mga pinggan.

“What is it, baby?” It made me curious. Minsan lang maging seryoso ang anak ko kaya nasa kanya ang buo kong atensyon ngayon.

“Kasi po, may panaginip po ako kagabi. Someone in my dream were talking to me and she also looks like me, mom. Sabi niya po na love na love niya po tayo. Sabi din po niya sorry kasi hindi po niya tayo nakasama. Who is she, mom? Is she my twin sister? Alora?”

My lips thinned. Naibaba ko ang hawak na plato at ang pang-ibaba kong labi ay kagat-kagat ko. Pakiramdam ko piniga ang puso ko sa narinig na kwento ng anak ko. Ayokong maging emosyonal ngunit hindi ko napigilan ang luhang nag landas sa aking pisngi.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now