CHAPTER 8

1.4K 52 1
                                    

Chapter 8

Casper Miranda is a casanova Billionare and that was the first thing I knew about him. Habang nasa loob ng kotse patungo sa kompanya nito, panay ang pisil ko sa aking kamay at tingin sa labas ng bintana. Habang papalayo kami, palaki naman ng palaki ang mga gusaling nakikita ko. Karamihan dito ay mga kompanyang kilala sa buong mundo at inaasam kong mapagtrabahuan. Sa sobrang taas ng pangarap ko, pagiging waitress parin ang bagsak ko. But anyway, that's okay. Ngayon na marami na akong oras para sa sarili ko, kakausapin ko nalang si Casper na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral.

Isang taong nalang. Kailangan ko lang mag tiis.

"Anyway, where do you want to go after this? Mamayang gabi pa naman ang duty mo, 'di ba?" Mayamaya ay tanong niya habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.

"Ayos lang ba sa 'yo na bisitahin natin ang mga kapatid ko? Ilang araw ko na rin silang hindi nakikita."

"Sure, it's okay. I wanna see them too."

Napangiti ako at nilingon siya.

"Salamat. Miss ko na kasi sila at gusto ko silang makasama kahit konting oras lang."

"Then take your time with them. Wala ka namang ibang gagawin bukod sa trabaho mo mamaya."

I bit my lower lip. Speaking of work, I need to ask him about that.

"Siya nga pala, Casper. Sigurado ka bang pagiging katulong lang ang gusto mong gawin ko? I mean, I can do whatever you want. Sabihin mo kung anong gusto mo, gagawin ko. Malaki ang utang na loob ko sayo at ito lang ang paraan na naiisip ko para bumawi sa 'yo."

He quickly glance at me. His eyes were delighting in unknown emotion. Napalunok tuloy ako.

"Hmm, let me tell you the reason, then. I did this because I can see how hardworking you are and let's say, you're worth it. Kung dadagdagan ko pa ang trabaho mo, paano ka magkakaroon ng oras sa sarili mo at mga kapatid mo? You even chose to work in that pub even though it's against my will. Su-suwelduhan naman kita sa pagiging kasambahan kaya bakit ka pa magtatrabaho doon?"

Napakurap ako at pinakatitigan ang mukha niya. His forehead were creasing. Nakasandal ang isang siko niya sa bintana at nakahawak siya sa kanyang baba. Ngayon na mas pinakatitigan ko siya, sobrang ganda talagang tingnan ng matangos niyang ilong.

Pero ang lahat ng sinabi nito ay tila humaplos sa aking puso. Kung hindi lang ako natauhan, hindi pa ako mag-iiwas ng tingin. Nasapo ko ang dibdib at pinakiramdaman ang malakas na pag tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at maingat itong pinakawalan.

Calm down, Coleen. Calm down. He's a casanova remember? Don't be fool.

But, his words were sincere and true.

"Thank you." Was all I said after a deafening silence. "salamat at inisip mo pa ang kapakanan ko."

"Hey, kahit gago ako, may puso parin naman ako. I'm not sorry for buying you though. It was a good thing that you're here, enjoying your freedom."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi sa sinabi nito. Parang tumalon ang puso ko sa saya kaya mabilis kong sinuway ang sarili at umayos.

"I guess thank you is not enough." I whispered.  Napasandal ako sa kinauupuan, ang paningin ay nasa labas. "Uuwi ka ba mamaya?"

"Hmm, yeah. Mabilis lang naman matapos ang trabaho ko."

"Mabuti naman." Napangiti ako. "ipagluluto kita mamaya."

I chuckled when I heard him almost shouted 'yes'. Napailing nalang ako at hindi na umimik hanggang makarating kami sa kanyang kompanya. And imagine how shock I am when I saw the name of his company.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now