CHAPTER 56

1K 34 2
                                    

Chapter 56

“Bakit ka nandito?”

Huminga ako ng malalim at maingat itong pinakawalan. Nakabawi na ako sa pagkagulat pero ang malakas na pagkabog ng dibdib ko ay hindi parin humuhupa.

Ano bang ginagawa niya dito? Ba’t ang aga-aga at siya agad ang bungad? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa sadya niya rito.

“I came here to talk to you, Coleen. Bakit hindi mo sinabing umuwi ka na pala?”

“Anong gusto mong pag-usapan at talagang pumunta ka pa dito?” Matapang na tinitigan ko siya. “I’m busy, Casper. May emergency kaya kailangan kong umuwi agad. Mind your own business will you?”

“I’m minding my own business with you, Coleen.” His eyes became sharp. “let’s talk about that little girl.”

Nagtiim ang bagang ko at nag-iwas ng tingin. Tama nga at hindi maganda ang kutob ko kung bakit siya nandito. Matapos niyang makita si Aquila, alam kong pinaniniwalaan nitong sa kanya ito.

And yeah, he’s right.

Pero kahit tama siya, kailangan kong magsinungaling. Ayokong idadag ang personal kong problema sa trabaho ko.

“Anong pag-uusapan natin tungkol sa anak ko? May problema ka ba?”

“Could you stop talking like that? I just want to know if that girl is.. mine.”

My lips thinned. Napapikit ako at huminga ng malalim kapagkuwan ay nag-angat ng tingin sa kanya.

“Paano mo naman nasabing sayo ang batang ‘yon?”

“Stop saying bullshits like that, Coleen. I know from the very beginning I saw her. We’re look alike.”

“She’s not yours.”

“Do you really have to lie to me?” humina ang boses nito. I can sense disappointment on his voice. “kitang-kita ko mula sa mga mata ng bata. Alam ko sa puso ko na anak ko siya, kaya bakit kailangan mong magsinungaling? Why do you need to hide me from her? Bakit.. bakit hindi mo man lang ako pinakilala sa kanya? Do I really have to deserve this after everything..?”

Kumirot ang puso ko sa sakit na hatid ng kanyang boses. Napasinghap ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa kanyang sinasabi. Hindi ko mawari kung bakit kailangan niya pa itong gawin para lang kompirmahin kung anak niya ba si Aquila.

What’s stopping me, anyway? Plano ko naman talagang sabihin sa kanya ang totoo pero bakit ganito? Bakit hindi ko masabi sa kanya ang totoo?

“I’m busy..” napalunok ako at nagbaba ng tingin. “I’m sorry if I waste your time. I.. really need to go right now. Let’s talk this some time.”

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at mabilis na akong lumabas ng conference room. Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang sa elevator.

Nanghihinang napasandal ako habang hawak ang dibdib kung nasaan ang puso. My heart is still beating so goddamn fast and I don’t know for what reason. Sa takot ba na malaman niya ang totoo, sa kaba o sa iba pang rason?

Nakarating ako sa aking opisina na wala sa sarili. Hindi ko magawang galawin ang pagkain dahil bigla akong nawalan ng gana kahit kumakalam ang sikmura ko.

I heaved a deep breath and sighed. Sumandal ako sa swivel chair habang hinihilot ang sentido.

Now that Casper is here, what I’m going to do? Pinapanalangin ko na lang na sana ay umalis na siya at kalimutan ang pinag-usapan namin kanina. If he’ll show up like that again, I’m probably going to talk to him.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now