CHAPTER 13

1.2K 40 0
                                    

Chapter 13

Casper and I decided to stay in his office for the night. May malaking kwarto na nakatago sa opisina ni Casper at doon siya natutulog sa'tuwing nag o-overtime siya at wala nang balak umuwi sa condo. His office is complete with stuffs, though. Ayos lang naman sa 'kin na magpalipas dito ng gabi tutal wala naman akong klase bukas. It's weekend!

Kaso nga lang, poproblemahin ko naman ang project na kailangan kong gawin.

"I have unused clothes in the closet, you can use them." Casper said while busy signing some of his documents.

Nakaupo ako sa sofa sa harap ng kanyang mesa at abala sa pagkalikot ng cellphone ko.

"Sure. Pero mamaya na ako maliligo. May kailangan lang akong tingnan." Sagot ko habang ang paningin ay nasa cellphone pa rin.

"Then I'll order food for us. What do you want?"

"Fried chicken, please?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya pero abala parin siya sa pagpirma ng mga papeles. "tsaka milk tea kung pwede."

"You can have those, of course. But can you get my phone? Nasa coat ko nilagay. Ikaw nalang mag order."

Tumango ako at inabot ang kanyang coat na ipinatong niya sa sofa saka kinuha ang cellphone niya. Binuksan ko ito at napataas ang kilay ko nang makitang wala itong password. I glanced at Casper but he was too fucos. Nagkibit-balikat nalang ako at ini-swipe ang selpon niya para buksan. Only to be shocked seeing his wallpaper. Parang nakipag-karera ang puso ko sa bilis ng tibok nito nang makita na ako ang wallpaper niya. I was in the kitchen and cooking. Yes, he was facing my back but it's me!

Ako.

I lifted my gaze to look at him. Kanina pa siya abala sa trabaho pero hindi niya nakakalimutang paalalahanin ako sa mga bagay na kailangan kong gawin. Why, Casper? Bakit ako ang wallpaper mo? Anong nakain mo at nilagay mo ako sa home screen mo? Does this mean something to you or am I just assuming?

"Nakaka-akit naman 'yang tingin mo."

Napakurap ako at mabilis na nag-iwas nang tingin nang mahuli niya ako. I cleared my throat and pinch my cheek. Narinig kong napatawa siya kaya napanguso ako.

"A-Anong gusto mong kainin? Mag o-order na ako."

"Ikaw."

"What?" My forehead creased and looked at him 'cause I didn't heard what he said. Amuse na natawa siya at umiling habang nakatitig sa akin.

"You can choose anything for me, I don't mind. Kakainin ko naman kung ano ang pipiliin mo."

I rolled my eyes. Muli siyang natawa kaya napailing ako at inorder ang pagkain namin. Nang matapos, binalik ko ang kanyang phone sa coat pero okupado ng utak ko ang home screen wallpaper niya.

It was questionable for me but I keep my mouth shut and didn't ask him. Napansin ko rin ang pagiging seryoso niya kaya imbes na manatili doon, pumunta ako sa kwarto ng opisina niya para maligo habang hinihintay na dumating ang pagkain.

I made sure that I take my time there. Siniguro kong walang maiiwan na kakaibang amoy sa katawan ko at dahil wala naman akong dalang body wash ay ginamit ko ang sa kanya. Now, I smell like him and I liked it. Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa banyo dahil sinulit ko lang talaga ang oras ko. At dahil konektado naman ang closet niya sa bathroom ay hindi ko na kinailangang lumabas para magbihis.

He told me earlier about the unused stuff in his closet. Nang makita ito doon, mabilis ko itong sinuot at pinatuyo ang buhok gamit ang tuwalya dahil wala namang blower doon. Mayamaya ay lumabas ako ng banyo at sinilip siya kung abala parin ba siya sa trabaho.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now