CHAPTER 27

886 24 2
                                    

Chapter 27

"Casper! Coleen!" Tita Sylvia saw us first as we entered in their house. Nasa entrada kasi siya at nag we-welcome ng mga bisita kasama si Tito na napatingin sa gawi namin matapos makipag-usap sa kakilala.

"Mom."

Bumitaw ako kay Casper para hayaan itong yumakap kay Tita. Malambing na napangiti ako habang pinapanood silang mag-ina, gano'n din si Tito na pinapanood lang sila.

"Where have you been? I'd been texting and calling you but you two is unattended. Kanina ko nga lang nabasa ang text ni Coleen." Bumitiw ito sa pagkakayakap at inabot ang kamay ko saka ako hinila palapit.

"We're celebrating in advance." Si Casper na napangisi at hinapit ako palapit.

"Ikaw na bata ka, anong celebrate?" Napa-asik si Tita at kinurot sa beywang ang katabi ko. "Birthday na birthday mo pero nagpapasaway ka."

"Mom.." napanguso na parang bata si Casper at napatawa nalang ako sa kanyang itsura. "I just want to be alone with my girlfriend."

"At saang lupalop mo naman siya dinala?"

"We just sail." His lips protruded like a child and glanced at his father. "dad, tulungan mo naman ako."

Itinaas ni Tito ang dalawang kamay at tinuro si Tita Sylvia na masamang nakatingin sa kanya.

"She's the boss, I can't do anything. Sorry son."

Casper let out a sighed. Tinawanan ko lang ang kamiserablehan niya habang pinapagalitan ni Tita. Siguro kung hindi lang nakisingit ang ibang bisita ay hindi pa kami matitigil doon. Naiwan si Tita at Tito sa entrada habang si Casper ay inalalayan ako papasok.

Maraming bumabati sa kanya na kilalang mga negosyante at ako naman na hindi makalayo sa kanya ay ngingiti lang. Nakaka-conscious lalo na't marami ring tumitingin sa akin. I am sure as hell that they're wondering what I'm doing beside this man. Hindi naman sa itinatago namin sa iba ang relasyon namin pero malay ko ba kung ilan lang ang nakakaalam.

"Bro!"

Sabay kaming napatingin kay Casper sa tumawag sa kanya. A man with the same age as him came and made a man to man hug. Nagtapikan pa sila at hindi maitago ang saya sa mukha ni Casper. Mukhang matalik niyang kaibihan ang dumating.

"Harley! Long time no see, bro."

"Yeah, I know. I was too busy, so as you huh." Nanunukso ang ngiti nito na bumaling sa akin kaya napangiti nalang ako ng tipid dahil sa hiya.

"Well, I need to work hard from now on. Anyway, this is my girlfriend Coleen. Sweetie, this is my friend, Harley."

I smiled and waved at him.

"Hello. Nice to meet you."

"It's nice to meet you too." Magalang itong tumango at nakipag-kamay sa akin. "ikaw pala 'yong babaeng palaging kinukwento sa akin ni Casper. He's smitten to you, did you know that?"

Narinig kong minura ito ni Casper pero humalakhak lang si Harley at pabiro akong kinindatan nang hindi ako makasagot. My lips protruded and looked at Casper who just smiled.

"She already knew that, asshole. By the way, where's your little sister?"

"Oh, now that you mention her.." Napahinto si Harley at may kinawayan sa likuran namin kaya napalingon ako doon at nakita ang isang mahinhin na babae na papunta sa gawi namin.

"Lilliene, this is Coleen, Casper's girlfriend." Pakilala ni Harley nang mapunta sa harapan ko si Lilliene.

She looks like a doll. Mahinhin at may magandang ngiti sa labi. Ang mga mata nito ay puno ng lambing. She's so pretty I might love her.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now