CHAPTER 16

1.2K 35 0
                                    

Chapter 16

"Si ate may jowa."

Sinimangutan ko si Nicky na nanunuksong nakatingin sa akin at akmang aagawin ang phone na hiniram niya ay bigla naman niya itong inilayo.

"Kanina ka pa diyan sa phone, pahiramin mo naman ang kapatid mo."

"Change topic ka yata, ate?" She smirked. "ito ba 'yong jowa mo, 'te? Ang gwapo gwapo naman. Green eyes pa."

"Nicky." I warned. Pero ang sutil kong kapatid ay humagikhik lang at nakipagbulungan pa kay Nica na rinig ko naman.

"Kaya pala palaging kasama ni ate si kuya Casper dito. Mag jowa pala sila."

Nica nodded attentively. Ang kyuryos nitong tingin ay tumama sa akin.

"Bakit po hindi mo kasama si kuya Casper, ate?" She humbly asked.

Tiningnan ko ng nanunuring tingin si Nicky pero tumawa lang ito at tinuon ang atensyon sa cellphone kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Busy ang kuya Casper niyo kaya hindi siya nakasama. Siguro sa susunod kasama ko na siya."

"Jowa mo na siya ate, 'di ba po?"

I sighed exaggeratedly. Tiningan ko si Nicky na nagpipigil ng ngiti kaya napailing nalang ako at sinagot si Nica.

"Hindi ko siya jowa, Nica. Nanliligaw pa lang, okay?"

"Pero doon parin naman po kayo papunta, 'di ba po?"

My lips pursed and sighed. Tumango ako dito bilang tugon at napahagikhik ito saka mahinang sinapak si Nicky na para bang kinikilig.

I shook my head as I watched the both of them playing in my phone. As long as I see them happy and healthy, I'm satisfied. The sisters were doing good with the children and my two siblings keeps on talking how happy they are in the orphanage.

Kakarating ko lang dito nang umalis si Tita sa kompanya at hinatid ako ng company driver ni Casper dahil hindi nito gustong mag commute ako. He's really overprotected when it comes to me and I admit that I felt giddy all the time.

At kung bakit bukang-bibig ng dalawa kong kapatid ang tungkol sa jowa-jowa na 'yan ay dahil naikuwento ko sa kanila ang panliligaw ni Casper.

And speaking of courting, I can still imagine how happy Tita Sylvia earlier in the office. Talagang tumili ito at napatalon sa saya sa nalaman. Casper even got confused why his mom exclaiming exaggeratedly but when he got to know the reason behind it, he's blushing profusely.

Tita Sylvia is not against it, she's even supportively proud to his son. Aniya pa'y sa wakas ay magkakaroon na raw ng seryosong relasyon si Casper. Am I really his first serious girlfriend if ever? Kasi kung oo, I felt so special.

"Ate, may tanong po ako."

I was snap back to reality when Nicky sat in front of me. Nasa picnic blanket kaming magkakapatid at kami lang ang tao dito sa ilalim ng malaking puno dahil ang ibang mga bata ay nasa loob ng bahay ampunan.

"Ano 'yon?" I asked. Hinila ko siya patalikod at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang daliri ko.

"Nasaan na po si Papa?"

I stiffened at her question. Agad naman akong nakabawi sa pagkagulat at nagpatuloy sa pagsuklay sa kanyang buhok.

"N-Nasa bahay parin." I said, biting my lower lip while glancing at Nica who's busy with my cellphone.

"Hmm, talaga po? Hindi ba malungkot si Papa sa bahay? Kahit naman po gano'n siya, Papa parin po natin siya. Bakit po siya hindi bumibisita dito? Hindi ba talaga tayo mahal ni Papa, ate?"

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now