CHAPTER 21

1K 29 0
                                    

Chapter 21

Kakapasok ko pa lang sa locker room ng pinagtatrabahuan ko ay iyak na ni Karen ang sumalubong sa akin. Pinag-gigitnaan siya ni Jasmin at Rozel at mahinang hinahagod ang likod para patahanin. Kumunot ang aking noo at isinara ang locker saka naupo sa tabi ni Rozel.

"Anong nangyari diyan?" Tanong ko at nakisali na rin sa paghagod sa likod ni Karen na mas lalong ngumawa sa pag-iyak.

Mabuti nalang at hindi pa oras para mag trabaho. Makaka-chismis pa ako.

Napabuntong hininga si Rozel kaya muli akong napatingin dito.

"'Yan nga rin ang gusto kong malaman. Sabay kami ni Jasmin sa pagpasok dito at naabutan na namin siyang ganito. Umiiyak at kahit ilang ulit na namin siyang pinatahan, hindi parin siya tumitigil."

Mabagal akong tumango at tumingin kay Jasmin na nagkibit balikat lang sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga at umalis sa upuan para magtungo sa harap ni Karen saka ako nag squat.

"Karen, may problema ka ba? Sabihin mo sa amin at nang matulungan ka namin diyan. Tumahan ka na, please? Nag-aalala na kami sayo." I held her hand and attempt to remove it from covering her face and luckily, I did.

Matamis na ngumiti ako at hinawi ang luha niya na patuloy sa pagpatak. Inayos ko rin ang magulo niyang buhok na tumatabing sa mukha niya at inipit ito sa likod ng kanyang tainga.

"Nandito lang kami, Karen, makikinig kami sayo. Kaibigan mo kami at kahit ano pa 'yang dinadala mo ngayon, tutulungan ka namin, hmm?"

Tumango ito at mas lalong napahikbi kaya niyakap ko na. Nakisali na rin si Rozel at Jasmin at alam kong kagaya ko, nag-aalala rin para kay Karen.

Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa tumahan si Karen. Ito na rin mismo ang lumayo sa pagkakayakap at inayos ang mukha na puno ng luha.

"S-Salamat." Napasinghot ito. "salamat at nandito kayo at hinayaan akong umiyak."

"Sobra nga kaming nag-aalala sayo." Bumuntong hininga si Jasmin at tipid na ngumiti. "sana sa susunod sabihin mo muna sa amin ang dahilan bago ka umiyak ng gano'n, pinakaba mo kami ng sobra."

"Sorry." Karen protruded her lips but then smiled afterwards. "pero hayaan niyo, ito na ang huli kong iyak kaya h'wag na kayo mag-aalala."

"Ano ba kasi ang nangyari?" Singit ko at matiim na tumitig dito. "masyadong masakit ang iyak mo kaya sigurado akong may nangyaring masama. Ayos lang ba na ikuwento mo sa amin? Baka sakaling matulungan ka namin."

"Hindi na kailangan." Mapait na ngumiti ito. "Magiging maayos rin ako. Kailangan ko lang ilihis ang atensyon ko sa kanya." Tumungo ito at pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. "my boyfriend cheated on me. Akala ko namamalikmata lang ako at baka kamukha niya lang 'yong nakita ko pero mali ako. It's him. I saw him with another girl pero siyempre, hindi muna ako nagsabi sa kanya na alam ko ang ginagawa niya sa likod ko. I pretended that I didn't know for a few days. Kasi gusto kong kompirmahin na baka kaibigan niya lang 'yon o kasama sa trabaho o ano pa. Pero habang pinapanood ko sila sa malayo, nakikita ko nalang ang sarili ko na umiiyak. H-Hindi ko kasi matanggap na nagloko siya. Na pinagpalit niya ako sa iba. Kaya kinompirma ko na, tinawagan ko siya at tinanong kung nasaan tapos alam niyo kung ano ang sagot niya?" Nag-angat siya ng tingin, ang mga mata ay hilam ng luha. "s-sabi niya abala siya sa trabaho. Sabi niya busy siya at maraming inasikaso. P-Pero tangina, busy siya sa ibang babae niya. Nagtataksil siya."

Her sobs filled the whole room. Kaming tatlo ay walang masabi, sa halip ay niyakap nalang namin siya para ipaalam sa kanya na nandito lang kami.

I know Karen is the one hurting right now but damn it. Dahil sa kuwento at pinagdaanan niya, naalala ko tuloy ang nakita ko noong nakaraang araw sa parking lot ng kompanya ni Casper. Gusto ko ring paniwalaan na kaibigan niya 'yon. Baka isa sa investors niya o kakilala noon pero iba ang sinisigaw ng kutob ko.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now