CHAPTER 7

1.4K 46 0
                                    

Chapter 7

Ngayon na alam kong wala si Tatay sa bahay, hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa mga kapatid ko. O kailangan ko bang sabihin sa kanila? They ask me about our father and I couldn't answer. Paano nalang kaya ngayon? Paano kung magtanong ulit sila at wala akong masagot? Kailangan ko bang sabihin ang totoo?

That was bothering me these past few days. Mabuti nalang at hindi naman naapektuhan ang pagtatrabaho ko. I always set aside my personal problems to my work. Ayokong sa pagkakataong ito ay ma-sisante na talaga ako. I need to fucos, I have my own priorities and I need to stop thinking about that idiot who's been sulking for days now.

Simula no'ng araw na sinundo niya ako, naging bugnutin na si Casper na kulang nalang ay tirisin ako. At ang dahilan? Bakit hindi raw ako nakapag-reply sa kanya agad at sobrang tagal ko pang umuwi. That's why until now, he's still grumpy. Mas iisipin ko pa ba siya kaysa sa trabaho ko?

But remember you owe him a lot.

I know, I always know that. Ang sa akin lang naman, walang kwentang bagay ang pinag-awayan namin na hindi naman kailangang ayusin dahil unang-una, hindi ko naman responsable na ipaalam sa kanya ang kalagayan ko kahit marami na siyang naitulong sa akin. Besides, I want to be alone that time. I need to think. Marami akong iniisip at dumagdag pa 'to.

Kasi inaamin ko, hindi ko gusto na hindi niya ako pinapansin. Na hindi ko naririnig ang mapang-asar niyang boses. Na hindi ko natititigan ang berde niyang mga mata. He seldom gets home too. Mukhang sa condo siya namamalagi at ayokong isipin kung ano ang ginagawa niya doon dahil alam ko naman 'yon.

"Coleen! Patulong naman dito!"

Mabilis na inilapag ko ang panghuling beer na inorder ng pang-limang mesa bago ko pinuntahan si Rozel na aligaga sa pagbigay ng mga orders sa ibang customer.

"Ako na sa drinks, ikaw na diyan sa isa." Sambit ko bago inagaw sa kanya ang tray na puno ng beers.

"Salamat. Busy pa kasi sila Karen sa kabilang mesa at nakita kitang patapos na kaya tinawag kita. Pasensya na ha?"

"Ayos lang. Wala lang 'to sa 'kin."

Ngumiti ako para ipaalam dito na sobrang ayos lang talaga sa akin. At para hindi masayang ang oras, kumilos na ako para ibigay sa mga customer ang drinks na inorder nila. It was a busy night for us but it's all worth it 'till the end. It's exhausting but we're used to it. Night shift kasi ako at alas diyes nagsasara ang pub kaya tuwing uwian ay bilang nalang ang tao at jeep sa daan. Good thing I have Casper. Pero nakakasiguro ako na hindi na naman ako nun papansinin.

And I won't let that happen. Masyado na itong OA!

"Coleen, hindi ka pa ba uuwi? P'wede kang sumabay sa 'min." Wika ni Jasmine na kasama si Rozel at Karen na palagi niyang kasabay tuwing uwian.

Nakangiting umiling ako habang nakaupo sa bench sa gilid ng pub.

"Ayos lang, mauna na kayo. May sundo naman ako."

"Pero sobrang late na." Singit ni Karen sa malungkot na boses. "baka naman hindi na 'yong darating? Baka ano pang mangyari sa 'yo sa daan pag nagkataon."

"Salamat talaga pero ayos lang, na text ko naman siya."

"Sigurado ka ah?" Tumango ako kay Rozel. "mag-iingat ka nalang. Una na kami."

"Bye!"

Pinanood ko ang papalayo nilang likod hanggang mawala sila sa paningin ko. Nang mag-isa na ako doon, napahugot ako ng malalim na buntong hininga at marahas itong pinakawalan. I picked up my phone to check if he replied but I didn't receive any. Twenty-five minutes ago na 'yong text ko pero wala paring reply. Nasaan na ba kasi siya?

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now