CHAPTER 46

995 25 2
                                    

Chapter 46

Damn. Ano ba talaga ang nangyari?

Alam kong ilang taon akong nawala sa kadahilanang pinagloloko lang ako ni Casper ngunit ang malaman na patay na ang babaeng nabuntis nito, masyadong nakakagulat. Wala akong masabi kay Caleb, nakatulala lang ako at pinapakalma ang sarili. Naguguluhan na sa akin ang paslit pero wala naman itong sinasabi. Sa halip ay hinayaan lang ako at pinakatitigan.

Nang makabawi, huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti rito. Labag ito sa loob ko ngunit may kailangan lang akong malaman. Kahit ito lang.

“P’wede mo bang sabihin sa akin kung bakit wala na ang mommy mo?” masuyong tanong ko para hindi ito malungkot. Kaya naman pala. Ngayon alam ko na kung bakit ganito nalang si Caleb pagdating sa akin.

“She died after fiving birth to me. ‘Yon ang palaging sinasabi sa akin ni daddy kapag hinahanap ko si mommy. But I have my new mom right now! Hindi na po ako malulungkot.”

Napahinga ako ng malalim. Naninikip ang dibdib ko sa mga pinagsasasabi ni Caleb. Napakabata pa nito para maranasan ang ganitong hirap at sakit. Masyado pa itong inosente at walang alam para isipin ang mga bagay na mahihirap para sa isang bata.

He’s seeking for something. A mother’s love that he didn’t experience since he was born.

“H-How about your grandma and grandpa? Close ka ba sa kanila?” pag-iiba ko sa usapan dahil ayokong malungkot ang bata.

“They’re in states right now and yes, I’m close with them. Ayoko lang pong sumama sa kanila, gusto ko po kay daddy lang ako.”

Napatango-tango ako. “’Yon naman pala. H’wag ka ng maging makulit sa daddy mo. He’s doing the best for you so be good to him, please?”

His lips protruded. Nakikita ko sa kanya si Casper no’ng mga panahong sobrang kulit nito.

“I’m good to him, mom. It’s just that, he’s too strict to me.”

“Because that’s what father always do for his child.” Kinalabit ko ang ilong nito. “paglaki mo, maiintindihan mo rin ang daddy mo. Sa ngayon, sikapin mong h’wag magmatigas at makulit dahil magagalit na naman ‘yon.”

Humagikhik ito. Ang namumulang pisngi kanina ay bumabalik na rin sa dati.

“Okay po.”

Napangiti ako. Masaya akong nakikita siya ngayong nakangiti at balik sa masayahing bata. Hindi ko maisip kung paanong lumaki si Caleb na walang kinikilalang ina. I mean, Casper can do anything just to get someone to be his son’s mother. But I guess he completely forgot his asshole self before and started anew. 

Aba dapat lang. Sa kapakanan ng kanyang anak, mabuti pang ibuhos nalang niya ang atensyon kay Caleb.

Now I’m also questioning my self. Ano kayang nararamdaman ng anak ko habang lumalaki siyang walang ama? Alam kong si Dio ay naroon para tumayong ama niya ngunit iba parin kapag tunay talaga. Iniisip ko lang ang nararamdaman ng anak ko ay nasasaktan na ako.

Am I being selfish?

Nakipaglaro ako kay Caleb tulad ng pangako ko rito ngunit habang kasama ko ang paslit ay lumilipad sa ibang bagay ang utak ko.

I’m starting to overthink again. What if’s were filling inside my head. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin sa pag-iisip dahil napakarami nito. Parang ayoko na lang isipin ngunit hindi ko maiwasan.

Gusto kong kausapin ang anak ko. Ako ‘yong nasasaktan sa’tuwing nagtatanong siya tungkol sa kanyang ama ngunit paano naman siya? Paano naman si Aquila na walang alam tungkol sa totoo niyang ama? Paano si Aquila na hinahanap ang pagmamahal ng isang ama?

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now