CHAPTER 17

1.1K 32 1
                                    

Chapter 17

The next few days, I've been busy to my studies and activities that we need to do before the first semester end. Mas nadagdagan nga lang ang trabaho ko dahil kailangan kong mag follow-up sa presinto tungkol sa paghahanap kay Papa. Salamat kay Casper at napadali ang paghahanap sa ama ko kaya kahit papaano ay nakakahinga ako ng maluwag tuwing tapos na ang klase.

Pareho man kaming busy, hindi naman namin nakakaligtaan ang oras para sa isa't isa. Now that he's courting me, I can see his effort just to fetch me, treat me and give me flowers. Tuwing nagkikita kami, hindi talaga niya nakakalimutan na magdala ng bulaklak para sa akin. Tuwing umaalis siya, hindi niya nakakalimutang mag-iwan ng sulat na puno ng ka-sweetnessan niya. At dahil ngayon lang ulit ako naligawan ng ganito, hindi ko maiwasang kiligin palagi. 

Tulad nalang ngayon. Matiyaga siyang naghihintay sa labas ng gate habang nakasandal sa kanyang kotse at nakatingin sa akin. He properly stood up when he saw me and a smile immediately etched to his lips as he walk towards me.

"Hey."

I smiled and let him get my things.

"Kanina mo pa ba ako hinihintay dito? Pasensya na kung hindi agad ako nakalabas, may tinapos lang akong meeting kasama ang mga kagrupo ko."

"It's okay. Hindi naman ako naghintay ng matagal. How's your day?"

I happily informed him my day while he's assisting me inside his car. Kung gaano ka-stressful ang mga activities na pinapagawa sa amin na kinakaya ko palagi. Wala akong pinalampas na kuwento sa kanya at sinabi ko ang lahat kasama na rin ang pinagplanuhan naming group study na magaganap sa bahay ni Michelle. Na imbes sa second semester na kami mag go-group study, mukhang ma-a-advance pa yata dahil sa hectic ng schedule namin. Lalo na sa 'kin.

"When is that group study of yours?" He asked. Nasa daan parin kami patungo sa kompanya niya.

"Hmm, sa next weekend siguro? 'Yon ang sabi ni Michelle pero maghihintay parin kami kung kailan talaga."

"Sabihin mo kung kailan para maihatid kita sa kanila. I'll fetch you too, okay?"

"Sure." I said. Kinikilig ako sa'tuwing naiisip kong hatid-sundo niya ako. "I'll inform you always."

"That's my girl." He took my hand and intertwined it with his.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang tila may paru-parung nagkumpulan sa tiyan ko dahil sa ginawa niya. His large soft palm were warm and I like it. Gusto ko palaging hawak ang kamay niya dahil pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. I always wanted to be with him when I feel how lonely I am. Si Casper ang unang sumasagi sa isip ko at wala ng iba.

"Siya nga pala, nag text sa 'kin si Tita na kailangan nating pumunta sa family dinner mamaya." Ani ko at saglit siyang napalingon sa akin habang nakakunot ang noo.

"Why didn't she text me instead?"

"Kasi baka busy ka at hindi mo mabasa ang text niya kaya ako nalang ang sinabiban niya. Well, pupunta ba tayo?"

"Of course," He replied almost immediately. "it's a family dinner and we need to be there. You're already part of the family a long time ago, sweetie."

Napanguso ako at humigpit ang hawak sa kamay niya. Kinikilig na naman ako sa sinabi niya.

"Thank you, sweetheart." I replied.

Malakas na napatili ako nang bigla niyang tapakan ang preno kaya muntik na akong mahulog sa upuan, tuloy ay nakatikim ulit siya ng sapak sa akin.

"What's your problem?! Gusto mo bang magpakamatay?!" I exclaimed.

"Fuck! Sorry, sweetie." He closed his eyes tightly and held my hand firmly. "I didn't intent to. I'm really sorry. Ikaw kasi, bigla mo 'kong ginugulat."

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now