CHAPTER 54

1K 28 0
                                    

Chapter 54

What the heck did I just.. heard?

Nakatutok lang ang tingin ko kay Caleb, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita. Bumuka ang bibig ko pero sumasara rin dahil wala akong masabi. Pakiramdam ko masusuka ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Mahihilo yata ako sa dami ng tumatakbo sa isip ko.

“My daddy loves you, mommy.” Caleb’s gentle voice melt my heart. “and I always wish that soon, you will be my real mom.”

My heart tighten for a deep reason. Humapdi ang magkabilang sulok ng mata ko ngunit ayokong umiyak sa harap ng bata. Kaya kahit pilit at nahihirapan ay ngumiti ako dito, pinipigilan ang sarili na h’wag maiyak.

“Caleb.. I..” I bit my lower lip. Ang inosente ng kanyang mga mata, ayokong haluan ito ng sakit. “I love you. Thank you for telling me that story.” Was all I said and kissed his forehead.

“And I love you too, mommy!”

Bumalik sa dati si Caleb na nakangiti, tumatawa at nakikipagbiruan kasama ang kanyang kapatid. Nakasunod ako sa kanila, sinadya kong magpahuli dahil ayokong mapansin nila na wala ako sa sarili.

Pabalik kami sa time zone. At parang wala ako sa sarili na makisabay sa kanila. Mabuti nalang at narito si Juls na alam kong hindi sila pababayaan.

I’m just too preoccupied that I’m not aware of my surroundings. Hindi ko napapansin na may nababangga na pala ako. Minsan ay naiiwan na nila ako.

Ang hirap lang paniwalaan ng sinabi ni Caleb, pero ang batang ‘yon ay hindi nagsisinungaling kahit kailan. Kaya alam ko, alam kong totoo ang mga pinagsasasabi nito.

Casper loves me. Just.. dang it!

Impit na napasigaw ako sa aking utak at mahinang sinabunutan ang sarili. Para na akong mababaliw sa kakaisip.

“Sis, ano diyan ka lang? Hinahanap ka na ng mga anak mo.”

Napalingon ako sa aking likuran. Natagpuan ko si Juls na nakapameywang at nakataas ang kilay sa akin.

Pilit na ngumiti ako dito. “Pasensya na. May iniisip lang ako.”

“Hmm, sabi mo eh.” Nauna ito kaya sumunod na ako.

Pinilit ko ang sarili na h’wag ng isipin ang nalaman kanina. Nandito ako para samahan ang mga bata, hindi para mamroblema at matulala na parang baliw. Hindi naman p’wedeng iasa ko nalang kay Juls ang pagbabantay sa dalawa kung responsibilidad ko naman ‘yon.

“Mommy, you okay?” sinalubong ako ni Aquila nang makita niya ako. Si Caleb ay tumingin lang sa akin kaya ngumiti ako para hindi na ‘to mag-alala.

“I’m okay, baby. I’m just a little bit tired.”

“You want to rest? Or go home?”

I shook my head. “I’m really okay, Aquila. Go play with your brother, panonoorin ko lang kayo dito.”

Napanguso ito. Pabalik-balik ang tingin nito sa akin at kay Caleb na ngayo’y nakikipaglaro na kasama si Juls.

“Come on, princess. Mommy is fine here. Go.” I reassuringly smiled. Sa huli ay napatango ang anak ko bago tumakbo patungo sa dalawa.

Nawala ang ngiti ko sa labi at napabuntong hininga nang tumalikod ang anak ko. Ayokong makita ako nitong wala sa sarili, mag-aalala lang ito sa akin at hindi titigil sa kakatanong.

Better assure her even though I’m not really fine.

Pinagpapasalamat ko na lang na kaya ko pang sumabay sa kanila kahit ang utak ko’y lumilipad sa ibang mundo. Nagagawa ko pang ngumiti ng matamis kahit hindi ko makuha kung ano ang kanilang pinagsasasabi.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now