CHAPTER 37

867 29 1
                                    

Chapter 37

“Good morning, doc. Can I set an appointment later at nine am?” Tanong ko sa doktor sa kabilang linya na siyang naging ob ko pagkarating ko dito.

“Yeah, of course hija. Do you have any concerns about your pregnancy?”

“Wala naman ho, doc. Gusto ko lang malaman kung maayos ba si baby sa loob ko.”

“I’m sure the baby is fine.” She said. “as long as you avoid being stress, that is the worse reason why mostly of the pregnant women got an abortion.”

I bit my lower lip. Tumango nalang ako sa kanyang sinabi kahit hindi niya ako nakikita ngayon. Mamaya ko nalang siguro sasabihin sa kanya ang totoo dahil mas maayos ‘yon kesa dito sa telepono. I want to talk to someone right now too.

“See you later, doktora.”

“See yah.”

Nang mawala siya sa kabilang linya ay napabuntong hininga ako. Inayos ko ang higaan ko saka dumiretso sa banyo para maligo. I slept late last night because I was crying. Gumising ako na walang katabi at mukhang magsisimula ang araw ko nang walang Casper.

I can still clearly remember what was the reason why he needs to leave me. Pagak nalang akong natawa nang maisip na mas pinili niya si Lilliene keysa pag-usapan ang tungkol sa amin. Of course, I know the reason why he needs that. Buntis si Lilliene sa anak nila pero nakakalungkot isipin na mas pinili niya parin siya.

Kapag ba nalaman ni Casper na buntis rin ako, pipiliin kaya niya ako? But that’s not proper. Ayokong sa akin siya manatili nang dahil lang sa anak namin.

Who knows who he loves, right? I never heard that from him since we started dating. It’s just a ‘like’.

Sumabay ang luha ko sa pag-agos ng tubig. Mapait akong napangiti at masuyong hinaplos ang tiyan ko. Mukhang hindi magiging totoo lahat ng pangarap ko para sa magiging anak ko. I’m sorry, baby. But I promise I will protect and love you with all my heart. Hindi mo kailangan ng gagong ama dahil nandito naman ako. Ako ang magiging ina at ama mo.

It just hurts me a lot. I believed that Casper was not like that before. Akala ko ako lang. Pero bakit may ibang babae? Ako ang niligawan, ngunit sa iba gustong magkapamilya. Gano’n na ba talaga niya kagustong magkaroon ng anak para bumuntis siya ng ibang babae?

Oh, fuck him. My child didn’t deserve someone like him.

Binilisan ko ang pagligo dahil nagugutom na rin ako at kailangan ko pang mag luto. After I’m done, I proceed into the kitchen. Hindi ko na inisip na ako lang mag-isa sa bahay dahil gusto ko rin namang mapag-isa. Salamat talaga at dalawang araw kaming walang klase kaya makakapag-pahinga pa ako.

Maraming laman ang ref kaya napili kong mag luto ng fried rice, bacon, at eggs. Nag toast rin ako ng bread para sa bacon at eggs habang hinahanda ang sangkap ng friend rice. Ininit ko muna ang mantika saka nilagay ang bawang. I was humming while I did the stir when the smell spread. Pumasok ito sa kalamnan ko at hinalukay ang loob ko kaya mabilis akong nag punta sa sink at doon sumuka.

My head ache all of the sudden. Mahigpit ang hawak ko sa gilid ng lababo habang pinipigilan ang sarili na sumuka. For fuck sake, puro tubig lang ang naisusuka ko. I wash my mouth after that and endure the smell to turn off the stove. Hinang-hina ako ng matapos kaya lumayo na ako at nagpahinga sa stool.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now