CHAPTER 50

1K 31 0
                                    

Chapter 50

Loud music, neon lights, party goer’s, and smell of vape. Iyon ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa bar. I know I’m used to this but, I actually missed this atmosphere. Matagal na talaga noong huli akong nakapunta sa ganito. How nostalgic it is.

“Hey, Miss. Are you alone?”

Mabilis na inilingan ko ang sumalubong sa akin at naglakad patungo sa bar counter. Wala akong Juls na mahanap dahil ibang bartender ang naka-toka sa bar area kaya minabuti kong magtanong.

“Excuse me? Nasaan ‘yong Juls na nagtatrabaho dito bilang bartender? Hinahanap ko kasi siya.” Tanong ko sa kaharap na inaasikaso ang order kong champagne.

“Mamaya nandito na ‘yo,ma'am. Siya ‘yong kasama ko dito.”

“Talaga?” Napangiti ako. “salamat.”

Tumango ito pabalik. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan at panay ang palibot ng tingin sa paligid. Maaga pa lang pero marami ng tao ang bar. The night is still young but they’re enjoying every bit of it. Marami ng nagsasayaw sa dance floor, ang iba ay walang pakealam sa ginagawa dahil may sari-sarili ng mundo. Flirts everywhere but I’m used to it. Para akong bumalik no’ng college.

“Here’s your champagne.”

Ngumiti ako sa bartender. “Salamat.”

Kinuha ko ang isang basong champagne at sinimulan itong inumin. Wala akong balak maglasing dahil walang aalalay sa akin pauwi at bukod doon ay ayokong maabutan ako ni Aquila na lasing. Umiinom lang ako ng marami kapag may tiwala ako sa mga kasama ko.

I roamed my eyes around the bar. May second floor ito at sigurado akong VIP room ang nasa taas. Maraming couches sa ‘baba at karamihan doon ay okupado ng mga bigating tao. Kaliwa’t kanan ang mga babae na mukhang hindi na bago.

Sa bagay, ano pa ba ang nakakagulat.

“Hey.”

Lumipat ang tingin ko sa aking katabi. Napatigil ako sa pagsimsim ng alak para ituon ang atenston dito.

“Yes?” ngumiti ako. Mukha namang approachable ito dahil sa maamo nitong mukha.

“Mind if I join you?” He asked. Itinaas nito ang baso na may alak, tanda na iyon ang ibig niyang sabihin.

“It’s okay, no problem.”

Ngumiti ito. Nabigyan tuloy ako ng pagkakataon na makita ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin. Para itong artista, makinis ang balat at may mukhang pang-aktor. Maamo ang mukha, ‘yong tipong hindi mapaghahalataan na pumupunta pala sa ganitong lugar.

“Thank you. You can order anything, it’s on me.”

I nodded. Wala pa naman si Juls kaya iinom muna ako ng konti.

“Salamat. Wala ka bang kasama?” sumenyas ako sa bartender ng isang bote ng champagne. Agad itong tumalima at ibinigay ‘to sa akin.

“I have, but I need to be separated. Lahat may kanya-kanya ng partner.” His voice is  lace with disapproval.

Napangisi ako at nagsalin ng alak sa aking baso. “Sa dami ng tao dito, bakit ako pa ang nilapitan mo? There’s a lot of ladies here..”

“Jerome. That’s my name.”

“Well, Jerome,” I shrugged. “I feel like you have motives.” Ginalaw ko ang stool para humarap sa kanya. Napansin ko ang pagngisi niya habang sumisimsim ako ng alak.

“I can’t say it, lovely lady. Pakiramdam ko ikaw pa naman ‘yong tipo ng babae na ayaw sa ibang bagay maliban sa pakikipagkaibigan.”

Lumaki ang ngiti ko sa labi. “Mabuti at alam mo.”

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now