CHAPTER 20

1.2K 28 2
                                    

Chapter 20

"We have a lead."

Isang nakakagulat na mensahe ang natanggap ko pagkatapos ang huli kong klase galing kay Casper. Wala akong inaksayang oras at saglit na nagpaalam lamang sa mga kaibigan ko at dagling lumabas ng University. Naghihintay na sa akin ang company driver ni Casper at habang nasa biyahe kami ay panay ang hinga ko nang malalim.

He just texted me that they have a lead about my father. From then on, what do I need to do? Ang daming gawain na pumapasok sa isip ko at nakakapagod itong isa-isahin kaya sa halip na mag overthink ay kinalma ko nalang ang sarili ko.

Ang mahalaga ngayon ay mahanap ko si Papa. Ayoko ng magsinungaling pa sa mga kapatid ko sa'tuwing nagtatanong sila kung kamusta na si Papa. I know they deserve to know the truth but I will hurt them in return. At iyon ang ayokong maramdaman nila. They suffered a lot in a young age. I just want them to enjoy their life.

The investigation is in process in the past few days and luckily, they have a lead. Kahit maliit na hint lang kung nasaan si Papa ay malaking tulong na 'yon. Malaman ko lang na nasa maayos siyang kalagayan ay makakahinga na ako ng maluwag. At least kahit gano'n, alam kong ligtas at maayos si Papa.

Nang makarating sa kompanya, dumiretso ako sa elevator at pinindot ang floor ng opisina ni Casper. Kalmado lang ako pero ang puso ko ay parang lalabas na sa kinalalagyan nito. Nang bumukas ito, mabilis akong lumabas at tinanguan lang ako ni Mattias na nasa kanyang lamesa saka ako pumasok sa opisina ni Casper.

I found him sitting in the large couch. Sa harap niya ay ang dalawang pulis na siyang nag imbestiga.

"What is the lead?" I asked immediately as I sat beside my boyfriend.

Agad pumalibot ang isang kamay nito sa aking beywang na hinayaan ko lang dahil ang atensyon ko ay nasa dalawang pulis.

"We check every CCTV footage na posible niyang nadaanan simula no'ng araw na umalis siya and luckily, we found something." Kinalikot nito ang laptop na nasa center table saka pinaharap sa amin. "dumaan sa parteng 'to ang ama mo pero sa kasamaang palad, hindi na namin nasundan ang sunod niyang dinaanan dahil walang CCTV ang kalye doon." Anito at plinay ang video sa laptop.

Pinanood namin ito, naka time laps ang video pero naka normal ang footage kung saan dumaan si Papa at pumara ng taxi. 'Yon lang ang lead na meron sila pero alam kon hindi sila titigil sa paghahanap sa kanya. Susuyurin nila ang ibang lugar kung saan p'wede nitong daanan o 'di kaya'y i-check ang flight nang bawat airport dito, kung sakaling umalis siya at pumunta sa ibang lugar.

"Ipapaalam agad namin sa inyo kung may iba pa kaming lead. Sa ngayon, patuloy pa kaming nag i-imbestiga pero ang lead na 'to ay malaki nang tulong sa amin. Sisiguraduhin namin na mahahanap agad ang Papa mo."

I took a deep breath and nodded. If Casper trusted them, then I also trust them.

"Okay. Hihintayin namin ang lead."

Hindi na rin sila nagtagal at matapos makipag-usap saglit kay Casper ay tuluyan na silang umalis. When they left, I sighed heavily. Pagod na sumandal ako kay Casper na agad akong niyakap at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Sa tingin mo kailangan ko kaya muling makikita si Papa?" I asked.

Saglit siyang natahimik pero maya-maya'y nagsalita rin.

"Sooner, you will meet him again. Now that we have a lead, we can find him faster than before. Just don't lose hope, okay?"

"Hmm, I know. Pero anong sasabihin ko sa mga kapatid ko kapag nagtanong ulit sila kung nasaan si Papa? Kung kamusta na siya at kung.. bibisita ba siya?"

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now