CHAPTER 25

1K 27 0
                                    

Chapter 25

My surprise for him was an epic fail but look at us now, happily eating a decent breakfast while chatting what we will do for his birthday. Mamayang gabi pa naman ang simpleng party niya sa bahay nina Tita kaya may ilang oras pa kami para pumunta sa kung saan namin gusto.

He wanted to make up to me and he really feels sorry for not showing up last night. At siyempre, sino ba naman ako para hindi siya pagbigyan kung ang dami-dami na niyang ginawa para sa akin. Kahit siguro ilang beses akong magmatigas na hindi siya pansinin, sa huli ay hindi parin ako magwawagi.

Gano'n ang epekto niya sa akin.

Parang kanina lang ay kinukumbinsi ko pa ang sarili na hindi siya pansinin pero marupok parin talaga ako pagdating sa kanya. Sabi nga ni Juls, mas mabuti pang marupok, kaysa sa ma-pride. At mukhang tama siya.

Ang necklace na regalo ko sa kanya ay suot-suot na niya. It looks good on him, really. Nang ibigay ko sa kanya ang regalo kanina, agad niya itong sinuot at hindi na hinubad pa. And seeing him smiling like he's not minding anything, I'm happy too. Ito ang gusto ko sa kanya, 'yong ngumingiti siya na para bang walang iniisip na iba at gusto lang maging masaya.

"Where do you want to go?" Casper asked after we ate our breakfast.

Naka-damit na rin ang loko kaya hindi na naglulumikot ang tingin ko hindi katulad kanina. He's a walking red flag for pete's sake. Kung wala siyang apron na suot kanina, ewan ko na lang talaga.

"Bakit ako ang tinatanong mo, eh ikaw ang may birthday? Basta kung saan mo gusto, ayos lang sa akin."

"Nah, I want to know your opinion." Pumihit ito paharap sa akin. Abala kasi ito sa paglalagay ng mga pinggan sa sink. "gusto kong bumawi kaya gusto kong malaman kung saan mo gustong pumunta. Some place do you want to unwind, a place do you want to go wherever it is."

Napa-isip ako. Naupo ako sa stool at matamang nag-isip ng lugar na gusto kong puntahan. Kaso, wala naman akong maisip na maganda kaya napasimangot ako.

"Wala akong maisip. Ikaw nalang kasi ang bahala. Bakit ako pa ang tinatanong mo?"

He chuckled. Lumapit siya sa akin at awtomatikong pumalibot ang kanyang kamay sa aking beywang at kahit nakaupo ako sa stool, mas mataas parin siya.

"Ako ang nanghihingi sa 'yo ng oras ngayong araw at gusto kong ikaw ang mag desisyon kung saan mo gustong pumunta kahit kaarawan ko naman. You know, my Coleen, I can't enjoy going into a place without you by my side. Hindi ko rin ma-a-appreciate ang lugar na gusto kong puntahan kung hindi ka naman mag e-enjoy. I owe you a lot, kahit hindi mo alam."

I blinked. My heart fastened its heartbeat that I need to take a deep breath and softly sighed. Wala akong masagot sa lahat ng sinabi niya dahil abala ako sa pag-iisip ng magandang lugar na p'wedeng puntahan.

"Let's sail." Saad ko ilang sandali ang nakakalipas. "let's be together and alone while sailing."

He smiled at what I said. Mukhang nagustuhan rin niya ang suhestiyon ko. Isa pa, gusto ko talagang maglayag para kahit papaano ay malayo naman ako sa mga problema ko. The vast ocean always makes me calm. I was overthinking these past few days and I deserved to take a rest.

"Noted. I'll ready our yacht while you ready our clothes, got it?"

Tumango ako na may malaking ngiti sa labi.

"Got it."

Hinalikan niya ako sa labi bago bumalik sa sink para simulang hugasan ang mga pinggan. Ngiting-ngiti na umalis ako sa kusina at umakyat sa taas para i-impake ang mga damit namin. Inuna ko muna ang sakin saka kay Casper at nilagay sa iisang bag. After I secured everything that we need to bring, I headed downstairs to check on him.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now