Chapter 97

440 52 27
                                    

Sara's POV

Dalawang buwan ang lumipas, hindi parin nahahanap ang kambal.

Para na akong nasisiraan ng bait.

Dumating sa punto na sinubukan kong tapusin ang buhay ko pero bago ko pa nagawa iyon ay napigilan ako ni kuya Pulong.

Naadmit ako sa hospital nung gabing ginawa ko iyon. Pagkatapos ng tatlong araw ay nadischarge din ako.

Nakaharap ako salamin habang nakaupo sa silya. Kita ko ang buo kong mukha na parang sabog, mugto ang mata ko, ang laki ng eyebags ko at ang gulo ng buhok ko.

Kinuha ko ang suklay at walang gana kong sinuklay ang buhok ko. Pagkatapos nun ay nilapag ko iyon sa mesa.

Bigla naman may kumatok.

Sara: Pasok *Lazily said*

Kita ko sa salamin ang pagpasok niya.

Yaya Yoli: Sara, kanina pa nasa ibaba si sir Travis. Hindi mo ba talaga kakausapin?

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, napasinghap ako tsaka nagsalita.

Sara: Sige Yoli, susunod ako. Kakausapin ko siya.

Yaya Yoli: Sige.

Lumabas na siya ng kwarto. Tumayo na ako at walang ganang inayos ang aking sarili.

Lalabas na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang tawag at unknown number ito, sinagot naman.

*On call*

Sara: Hello?

Unknown number: Hello, ito ba si Sara Duterte?

Sara: Ako nga, sino ito?

Unknown number: Ako yung pulis na may hawak sa kaso ng pagkidnap sa mga anak mo.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko.

Unknown number: Gusto ko lang sabihin na may lead na kami kung nasaan ang mga anak mo. Pumunta kana lang dito sa presinto para malaman mo.

Biglang nabuhayan ang loob ko.

Sara: Sige, papunta na ako.

*Call ended*

Pinatay ko na ang tawag at nagpalit ako ng damit. Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas. Pagkababa ko, tumayo si Travis.

Travis: Sara, why are you in a hurry?

Sara: May lead na daw kung nasaan ang mga anak ko. Kailangan kong pumunta ng presinto.

Travis: Samahan na kita.

Sara: Sige.

Lumabas na kami ng bahay, pagkalabas namin bigla ulit tumunog ang phone ko, tinignan ko ito at Bongbong iyon, sinagot ko naman.

Sara: Bong may lead na daw kung nasaan ang mga anak ko............Hindi na, papunta narin kami.........Hindi mo na kailangan malaman kung sinong kasama ko.

Pinipilit niya ako na sabihin ko daw kung sino ang kasama ko kaya nasigawan ko na siya.

Sara: Bong puwede ba, wag ng madaming tanong. Magkita nalang tayo sa presinto.

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya, pinatay ko na ang tawag. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat ng kotse ni Travis.

Pagkapasok ko bigla akong nahilo. Sinubukan kong buksan ang bintana pero hindi ko mabuksan. Umikot na ang paningin ko, naramdaman kong pumasok si Travis. Pagkatapon nun ay tuluyan akong nawalan ng malay.



End of Chapter.


Goodmorning everyone
❤💚✌👊



Sabay-sabay tayong mangigil kay Travis....

Hiding the Twins of Ferdinand Marcos Jr.Where stories live. Discover now