Chapter 16

581 28 1
                                    

*3 months passed*

Sara's POV

Tatlong buwan na ako dito sa Manila. Pasado alas singko trenta na nang hapon at kasalukuyan nagpapahinga dahil ang sakit na nang paa ko kakalakad dahil sa paghahanap na naman ng trabaho. Nagtrabaho ako bilang taga silbi sa isang karinderya subalit pagkatapos ng 2 buwan ay natanggal ako dahil napagbintangan akong nagnakaw ng pera sa kahera. Nakatulong naman ang pagtratrabaho ko doon. Ang sweldo ko sa unang buwan ay inipon ko para sa pagbabayad ng upa. Ang pangalawang buwang sweldo ko ay dinagdag ko sa unang sweldo kong kaya't nabayaran ko ang unang buwan kong upa. Ngayon diko na alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa pangalawa at pangatlong buwan. Hindi na kasi binigay yung huling sweldo ko. Humingi na din ako ng isang buwan palugit kay aling Janet. Pumayag naman siya pero parang napilitan lang. Kumakalam na aking tiyan sa gutom at masakit na din aking paa kakalakad. Tinignan ko ang aking pitaka at may 20 pesos nalang. Tiniis ko nalang ang aking gutom at umuwi na sa apartment. Pagdating ko doon ay halos maiyak ako dahil nasa labas na nang apartment ang lahat ng gamit ko.

Aling Janet: Buti dumating kana, ito na mga gamit mo umalis kana!!!. *angry*

Sara: Aling Janet maawa ka naman po, wala akong matutuluyan ngayon. *Cry and beg*

Aling Janet: Wala akong pakealam, nagnenegosyo ako tapos ganyan. Pumayag ako sa isang buwang palugit pero ano wala parin. Umalis kana kung ayaw mong makitang kumalat iyang mga gamit mo!!!

Wala na akong nagawa at tuluyan ng umalis binuhat ko na ang mga gamit ko. Nasa gilid na ako ng kalsada at naglalakad, katamtaman lang ang mga dumaan na sasakyan. Napaupo ako sa gilid dahil sa pagod, hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako tutuloy ngayon gabi. Tumayo na ako at naglakad ulit. Ang katawan ko ay pagod na, nahihilo na din ako at ano mang oras ay pwede akong bumagsak. Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko. Nakarating ako sa isang tulay, binitawan ko ang mga gamit ko. Hindi ko alam pero kusa kong hinawakan ang hawakan sa tulay. Isinampa ko ang aking katawan doon at ano mang minuto o oras ay tatalon na ako, nahihilo na talaga ako. May narinig akong mga babae na sumisigaw, narinig ko na pinipigilan nila ako.

Babae 1: Hey Miss, Don't do that. ANO BAAA!!!

Babae 2: That is not the answer to your problem Miss. Please, come on.

Sara: Pabayaan niyo na ako, hayaan niyo na ako. Gusto ko nang mawala ang mga problema ko. Gusto ko nang matapos to.  *Crying*

Hindi ko na sila pinakinggan pa, akmang tatalon na ako nang hilain nila ako. Lalo ako nahilo at tumumba kaming tatlo, hindi ko na alam sumunod na pangyayari at nawalan na ako ng malay.






End of Chapter.


Who are the two woman?

Hiding the Twins of Ferdinand Marcos Jr.Where stories live. Discover now