Chapter 71

655 42 4
                                    

Sara's POV

Isang linggo ang lumipas nung mangyari iyon. Hindi na kami pinayagan ni kuya na mag-gagala. Pasado alas-dos na ng hapon, nandito ako sa hardin kasama ang kambal, habang si kuya at ate Lily ay nasa salas dahil may kausap na bisita. Nagulat ako ng may magsalita at umupo sa isa pang upuan, si tita Margarette. Tinignan niya ang kambal na kasalukuyang naglalaro at nagtatawanan.

Margarette: Ang saya nila tignan.

Sara: Oo nga po.

Margarette: By the way, nakilala niyo ba yung tumulong kay ella noon sa mall.

Sara: Ang totoo po niyan hindi po.

Margarette: Ay sayang naman.

Sara: Oo nga po eh, hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila hindi na sana namin makakasama si ella.

Margarette: What happened ba before? Bakit nahiwalay sa inyo si Ella?

Sara: Bumalik daw po siya sa doll section pero nung hinanap namin siya doon ay hindi namin siya nakita.

Margarette: Baka naman nagkasalisihan kayo.

Sara: Siguro po.

Natigil lang ang usapan namin ng lumapit ang kambal, basa naman sila ng pawis kaya pinunasan ko sila, pumunta naman ako sa kwarto para kumuha ng pamalit nila. Wala narin yung mga bisita ni ate lily. Pagkatapos ko kumuha ay bumaba na ako at pinalitan ng damit ang kambal, bumalik ulit sila sa paglalaro. Bigla namang sumulpot si kuya at ate lily.

Lily: Hai, kamusta kayo dito? May chismis ba?

Margarette: Wala naman anak *Smiled*.....By the way ano pala pinunta ng bisita niyo dito?

Lily: Nagbigay ng wedding Invitation ma.

Margarette: Wedding Invitation?

Lily: Yes mom

Margarette: Sino ba yung mga iyon?

Lily: Batchmate ko nung college ma.

Margarette: Oh okay.....Sige maiwan ko muna kayo saglit kukuha lang ako meryenda. *Stand up*

Lily: Sige mom

Umalis na si tita Margarette, nagkwentuhan naman kaming natira dito.

Lily: Kamusta na si Ella?

Sara: Okay naman na ate.

Pulong: Ayoko ko nang maulit yung nangyaring yon Sara. Dapat kapag papasyal kasama kami.

Sara: Sorry kuya, hindi ko naman alam na ganun yung mangyayari eh.

Pulong: Kahit na, alam mong dalawang bata yung kasama mo at sa mall pa kayo pumunta. Paano kung walang tumulong sa kaniya edi sana hindi natin siya kasama ngayon. *Slightly Angry*

Sara: Sorry kuya, sorry.

Lily: Love tama na iyan, pasalamat nalang tayo at may tumulong kay Ella. Ang problema lang, hindi natin nakilala yung tumulong sa kaniya para naman sana magpasalamat.

Napasinghap nalang si kuya tsaka nagsalita.

Pulong: Ah basta ayoko ng maulit iyon.

Sara: Oo kuya.

Lily: By the way, next week mag aattend tayo ng wedding. My batchmate wedding, this is the wedding invitation.

Inilapag naman niya ito sa glass table sakto naman na bumalik na si tita Margarette at may dala ngang meryenda.

Margarette: Meryenda muna, kids meryenda first *Shout out*

Tumakbo naman palapit ang kambal tsaka kumuha ng tig-isang baso ng natimplang juice. Habang nagmemeryenda kami ay pasimple kong kinuha ang wedding invitation at binasa ang nasa harap nito.

Sara: Gatchalian and Poe Nuptial.







End of Chapter.




Good Morning Everyone
❤💚✌👊

Hiding the Twins of Ferdinand Marcos Jr.Where stories live. Discover now