Doon na napangiti si Caleb at tinapos ang kinakain. Nginitian ko naman si Casper na nakahinga ng maluwag dahil hindi na nagpumilit ang paslit.

Alam kong mahirap ang maging magulang kaya naiintindihan ko si Casper. Lalo pa’t pareho kaming walang kaagapay sa buhay. He’s a single dad and I’m a single mom. Pareho naming binubuhos ang lahat sa aming anak.

And I admit that I’m impressed to everything he did for his son after what happened to him. Nalagpasan niya lahat ng ito.

Dahil kailangan naming magmadali ay pinagbihis ko na si Caleb habang si Casper ay nauna ng umalis para sa business meeting. Nagpumilit pa talaga ito pero desidido na ako kaya wala ng nagawa ang huli.

I’m impressed that I can face him properly after all this time. Ewan ko ba, hindi ko maipaliwanag sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko. Alam ko maraming nangyari, marami akong masasakit at mahihirap na pinagdaanan dahil kay Casper pero heto ako ngayon at nasa bahay niya, kasama ang anak niya sa ibang babae.

Pero bakit ganito? Payapa ang puso ko. Walang sakit at paghihinagpis. Tanging gaan at pangungulila sa hindi ko malamang dahilan.

Bakit ngayon? Bakit noong huli naming pagkikita ay napakabigat ng pakiramdam ko? Anong pinagkaiba?

Humugot ako ng malalim na hininga at maingat itong pinakawalan. Alam kong kahit ilang oras akong mag-isip dito ay wala parin akong makukuhang sagot. Naguguluhan ako pero ayoko na ‘tong isipin. Ang gusto ko ngayon ay makasama ang dalawa kong anak.

Nakapag-ayos na ako’t lahat-lahat pero si Caleb ay hinihintay ko parin sa sala. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng bata pero panatag naman akong maayos ito dahil kasama niya ang kanyang yaya Lotie. Mabuti nga at tuyo na ang damit ko kagabi dahil ito ang suot ko ngayon. Kung hindi, makakabili talaga agad ako.

Hindi naman nagtagal ay nakita kong pababa na ng hagdan ang binata ko.

“Bakit may bag ka?” Pinipigilan kong matawa habang nakatingin sa kanya na may dalang bag na punong-puno at hindi ko alam kung ano ang laman. Kaya ba masyado siyang matagal?

“Damit po tsaka laruan.” Ngiting-ngiti ito. Kitang-kita tuloy ang maliliit at pantay-pantay niyang ngipin. 

“Parang ang dami naman yata ng dinala mo?” I asked. Inalalayan ko ito at kinuha ang bag na medyo mabigat.

“To make sure, mom. I wanna play all day!”

I chuckled. Pinanggigilan ko ang pisngi nito kapagkuwan ay bumaling kay yaya Lotie.

“Mauna na kami, Lotie. Ako na ang bahala kay Caleb.” I smiled.

“Mag-ingat po kayo ma’am.”

Tinanguan ko ito bago hinawakan si Caleb para alalayan sa paglabas. May patalon-talon pang nalalaman ang paslit na hinahayaan ko lang dahil natutuwa rin ako.

At dahil wala kaming dalang kotse ay kinailangan naming sumakay ng taxi. Mabuti nga at hindi naman kalayuan ang gate ng subdivision kaya mabilis rin kaming nakasakay papuntang hotel. I’m pretty sure my daughter is waiting for me. And I miss her.

“Mommy? Sino po ‘yong ipapakilala niyo sa ‘kin?” inosenteng tanong ni Caleb na nakayakap sa braso ko.

He’s clingy but I let him be. Naiintindihan ko ang bata kaya hinahayaan ko. Natutuwa nga ako at ganito siya sa akin. Pati puso ko natutuwa rin.

“She’s my daughter, baby. You will meet her later.”

“A daughter?” his lips formed into an ‘o’. “you have family?”

I slowly shook my head. Naguguluhan ang berde nitong mga mata at parang iniintindi ang sinabi ko.

“No, just a daughter, Caleb. It’s a long, long story but what’s important to me right now is for you to meet her, okay? Gusto ka rin niyang makilala.”

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now