“It’s fine. Caleb is a good boy.” Ngumiti ako. “napakasaya nga kasama ng bata.”

Huminga ng malalim si Casper. Nag-iwas ito ng tingin ngunit dumaan ang lungkot sa mga mata nito.

“That’s great, then. My son is doing good with you. Pasensya ka na sa mga inasal niya kanina. I’m sorry if he’s calling you that way. It’s just that…” hindi na nito natapos ang sasabihin ngunit alam ko na ‘yon.

“Ayos lang sa akin. I felt good everytime he’s calling me mom.”

Mabilis itong napalingon sa akin. Ang gulat na ekspresyon ay mababakas sa kanyang mukha ngunit hindi maipagkakailang may saya rin dito.

“It’s… it’s okay for you? That he’s calling you like that?”

Walang pagdadalawang-isip na tumango ako. Ewan ko ba kay Casper at gulat na gulat siya rito.

“Oo nga, ayos lang. ‘Yon ang gusto ng bata, hindi ko siya kayang tanggihan.” I said.

Nawalan ng imik si Casper ngunit nakatitig lang siya sa akin. Bigla akong nailang kaya tumikhim ako at hilaw na ngumiti.

“So, uhm, I should go. Naghihintay sa akin si Caleb sa playroom niya. H’wag kang mag-alala, babalik kami agad.”

Napatango ito. Bahagyang magkasalubong ang kilay at hindi ko alam kung bakit. Paiba-iba na naman ang mood.

“Take care,” my lips thinned. “of Caleb.”

Umawang ang labi ko at mabilis na tumango. “Y-Yeah. I’ll take care of him.”

Hindi ko na ‘to hinayaan na makapagsalita dahil mabilis akong lumabas ng kanyang opisina na hinahabol ang hininga. Bakit kinakapos ako sa paghinga? Wala namang ginagawa ‘yong tao ngunit ang puso ko, para akong aatakihin.

“Ayos ka lang ma’am Coleen?”

Binasa ko ang pang-ibabang labi at ngumiti ng pilit kay Mattias. Akala ko hindi ako nito napansin.

“Yeah. I’m fine.” I said. Nagpaalam na ako rito bago malalaki ang hakbang na tinungo si Caleb.

Nasa loob na kami ng elevator at hindi mapakali ang bata. Para bang ito ang una niyang beses na makalabas kahit hindi naman. He’s just too excited and happy and I don’t know why. But I let him. Tuwing nakikita ko siyang masaya, sumasaya rin ang puso ko.

Mayamaya pa’y bumukas ang elevator kaya lumabas na kami. Ang tingin ng mga empleyado sa ‘baba ay nasa amin o mas tamang sabihin na nasa paslit na hawak ko.

“Mommy, why are they staring at us?” Malakas ang boses ni Caleb kaya ang mga empleyadong malapit sa amin ay napasinghap sa narinig.

Napangiwi ako. Ayokong may isiping iba ang mga empleyado rito ngunit ayoko namang saktan ang bata.

“Maybe because you’re too handsome.” I said. Kumunot lang ang noo nito, nagtataka ngunit sa huli ay wala na ring sinabi.

Natawa ako sa itsura ng bata at binilisan ang paglalakad. Wala akong dalang kotse kaya pumara na lang ako ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na mall. Habang nasa biyahe ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at nang makitang si Dio ang nag-text ay mabilis ko itong binuksan at binasa.

From: Dio
Guess what, insan? We’re going in Manila! Isinama ko si Aquila dahil gusto ka niyang makita. I have a business meeting with one of our investors there and we’re off tomorrow morning. Text nalang kita kapag papasundo kami sa airport. See yah!

Umawang ang labi ko sa nabasa at hindi magawang makapag-tipa ng reply dahil sa gulat. I lick my lower lip and glance at Caleb. Umusbong ang kaba sa aking puso at hindi ko alam kung bakit. Bakit parang bigla-bigla naman yata ang pagpunta ni Dio rito? Akala ko ba abala ito doon? At bakit isinama pa niya si Aquila?

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now