Napakasalbahe ko namang ina para ipagkait ito sa kanya.

Gano’n ba talaga kung ang dahilan ay pinoprotektahan ko lang ang anak ko sa katotohanan? Na ayoko lang naman siyang masaktan. Ngunit sa ginagawa ko ngayon, nasasaktan na ang prinsesa ko.

Ginagawa ko lang naman ang sa tingin ko ay tama. Tama nga ba ito o isang pagkakamali? Hindi ko na maintindihan kung ano ang iisipin at gagawin.

“Mommy? Are you okay?” Caleb’s soft voice made me out from my deep reverie.

Kumurap-kurap ako at bahagyang kumunot ang noo nang makitang puno ng pag-aalala ang mukha ng paslit.

“Y-Yeah, I’m fine. Bakit mo naitatanong?” Ngumiti ako ng pilit. Nagkasalubong ang kilay nito na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko.

“Your hands are shaking, mom. Are you really okay or are you lying? It’s bad to lie, mom.”

Mabilis na bumaba ang tingin ko sa aking kamay na hawak ni Caleb. Hindi ko man lang napansin ang ginawa niya ngunit totoo ang kanyang sinasabi. My hands are shaking and I know why.

“T-This is nothing, kiddo.” Umiling ako at hinaplos ang kamay nito sa nanginginig kong kamay. “Don’t mind it. Maglaro ka lang tapos mamaya aalis tayo para bumili ng ice cream.”

Tumitig lang ito sa akin. Ang berdeng mga mata ay tutol sa sinasabi ko.

“You’re not okay, mom.” He shook his head. “I don’t believe you.”

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at niyakap ako. My lips quivered at what he did. Kinagat ko ang nanginginig na labi at niyakap pabalik ang paslit.

I know I lied but I felt relieved that Caleb didn’t believe that I’m okay. Kasi hindi ako maayos. Naiipit ako sa sitwasyong hindi ko alam kung ano ang gagawin. It’s between my feelings, or my daughter’s feeling. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

“Tell me if you’re finally okay, mom. Then I’ll let you go.” He said. Pati boses nito ay nakakasuyo na tila ba inaalo ako.

I just hummed and nodded. Panatag akong walang makakakita sa amin dahil nasa playroom kami nitong building. We’re away from Casper. Ayokong makita niya akong ganito.

Matagal bago ako kumalma pero ang ginawa ni Caleb ay isang napakalaking tulong. He just made me calmed down. Kung ako ‘yon, hindi ko alam kung gaano ko ito katagal gagawin. 

“I’m okay, kiddo. Thank you.” Tinapik ko ang likod nito. Lumayo naman si Caleb ngunit ang tingin nito ay puno parin ng pag-aalala.

“Let’s buy ice cream?”

I chuckled. Tumango ako dito at inayos ang magulo nitong buhok.

“Sure. I’ll just talk to your dad. Maghintay ka lang dito, okay?”

“Okay po.”

Napangiti ako at hinalikan ang noo nito bago umalis sa kuwartong ‘yon. Si Mattias ang naabutan ko sa labas na nginitian lang ako bago bumalik sa pagtatrabaho.

Kumatok ako sa pinto ng opisina ni Casper bago pumasok nang marinig ang boses niya sa loob. Pumirmi ang labi ko nang makitang nakatingin na siya sa ‘kin. As if he’s really waiting for me.

“Is Caleb doing okay? He’s not pestering you? Do you.. perhaps, want to go home now?” sunod-sunod nitong tanong na inilingan ko.

“Ipagpaalam ko lang sana si Caleb kung ayos lang sayo? We’re going outside. Gusto magpabili ng ice cream.”

“Oh,” napatango siya. “sure, it’s fine. Tawagan mo lang ako kapag masyado ng makulit si Caleb. Alam kong marami ka pang trabaho na tatapusin.”

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now