“That’s the least I can do for you.” Humiwalay siya sa yakap at napatingin sa dalawa kong kapatid. “Hello, little kids. I’m your kuya Dio. Pinsan niyo ako.”

“Ikaw po ‘yon?” Nica said enthusiastically. “sasama ka po sa amin?”

“Yes.” Dio smiled. “shall we? Our private plane is waiting.”

“Plane?” Napasinghap si Nica. “as in airplane po? Sasakay po tayo do’n?”

“Oo naman. Ayaw mo ba?”

“Gusto po!” She cheered and glance at me. “tara na, ate! Gusto ko ma sumakay sa plane!”

“I know. Kumalma ka muna, Nica.” Napatawa ako sa reaksyon niya. “sumama kayo sa kuya Dio niyo. Kailangan kong maiwan dito dahil may kailangan pa akong gawin.”

“Kailan ka po susunod sa amin?”

Bumaling ako kay Nicky. “Hindi ko alam pero susunod ako agad. Just trust your kuya Dio. Alam niya kung nasaan si papa.”

Napatango-tango ang dalawa kong kapatid kahit bahid ang kalungkutan sa kanilang mata. Malambing na ngumiti ako sa kanila at nag-angat ng tingin kay Dio na seryosong nakatitig sa akin.

“Sigurado ka bang hindi ka sasabay sa amin? Gusto kang makita ni Tito at mommy.”

“Pakisabi nalang sa kanila na susunod ako. I just need to do something before I leave. Mabilis lang naman ako dito.”

He sighed and nodded. “Sumunod ka agad, insan. Mami-miss ka ng mga kapatid mo.”

“I know. Take care of them, okay?” I said.

“I will. Mag-iingat ka.”

I just nodded and watch them left. Kumaway ako sa mga kapatid ko bago sila mawala sa paningin ko. I fainted a smile and decided to also left the airport. May kailangan pa akong tapusin dito bago sumunod sa kanila. Gusto kong sumama pero masyadong komplikado ang buhay ko ngayon at kailangan ko itong ayusin. Even if it means hurting my self, that’s okay. As long as I can finish it. I know something will change and it’s us. For the sake of my heart and my baby, I needed to do this.

“Dito nalang ho manong.”

Mabilis na nagbayad ako ng pamasahe saka bumaba ng taxi nang makarating sa subdivision. His car is in the garage and I know he’s inside. Humigpit ang hawak ko sa bag bago humakbang papasok.

“I heard you quit your job.” Narinig ko ang malamig niyang boses nang maisara ko ang pintuan.

I lick my lower lip before I turn around to face him. Nakaupo siya sa sofa at seryosong nakatitig sa akin. Ang lamig ng tingin niya ay halos maramdaman ko na.

“Saan mo nalaman?”

“It doesn’t matter. I just want to know why? Bakit ang dami mong hindi sinasabi sa akin, Coleen?”

Tumigil ako sa paghakbang at hindi makapaniwalang tiningnan siya. I laugh sarcastically and even clap my hands. I cannot take it longer for goodness sake.

“Wow, Casper. Coming from you?” I pointed him. “at ano bang pake mo kung hindi ko sabihin sayo na tumigil na ako sa pagtatrabaho? Ayaw mo no’n? Mas marami akong oras manatili dito at makasama ka. O baka naman ayaw mong tumigil ako dahil ‘yong oras mo na nakalaan sa akin ay sa iba mo binibigay. Tama ba?”

“You’re talking nonsense.” His jaw clenched. “and what are you talking about? Simula no’ng bumalik ka dito nag-iba ka na! I can’t understand you but I’m trying because it’s affecting our relationship!”

“Sana sinabi mo ‘yan sa sarili mo bago ka naging gago!” I exclaimed. “sana sinabi mo ‘yan bago mo ako sinaktan at iniwan dahil mas pinili mo ang babae mo—”

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now