“Masaya akong malaman ‘yan, hija.” Napatingin ako sa kanya na masuyong nakangiti sa akin. “patuloy ka lang manalig at hinding-hindi ka kakalimutan ng diyos. Marami ka mang pagsubok at paghihirap sa umpisa, alam kong malalampasan mo rin ‘to. Matatag kang bata, alam ko ‘yon.”

“Salamat po sister.” Sinserong saad ko at tumango lang ang huli bilang tugon.

Hindi nag tagal si sister sa loob dahil kailangan ito sa ‘baba para tulungan pa ang iba. Nang umalis siya, saka lang ako nagpatuloy sa pag-impake at dahil konti nalang ang natira ay mabilis na akong natapos.

Sakto namang palabas na kami ng kwarto nang tumunog ang cellphone ko. I received a text coming from Dio and it says that he’s already at the airport. Ang bilis naman yata? Though, kahapon ko pa siya na-text pero ang bilis naman niyang nakapunta dito. Akala ko nga bukas pa siya babiyahe.

“Your cousin is already at the airport. Magpapaalam na tayo kela sisters at sa mga kaibigan niyo dahil kailangan na nating umalis.” Paalala ko sa dalawa kong kapatid at nauna pa itong bumaba para magpaalam.

It didn’t took a while after we said our goodbye’s. Sobrang laki ng pasasalamat ko kela sister na nag-alaga sa mga kapatid ko at lalo na sa mga kaibigan nila.

Nag-taxi kami papuntang airport at habang nasa biyahe ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Casper. I took a deep breath and open his message. Sariwa parin sa isip ko ang nangyari kanina at pinipilit ko ang sarili na h’wag itong isipin.

I don’t even know how did I manage to leave the hospital. Nalaman ko lang no’ng papunta na ako sa bahay ampunan.

From: Casper
Where are you? Why are you still not home? I need to talk you.

To: Casper
May inaasikaso lang ako. Mamaya uuwi na rin ako.

From: Casper
Should I fetch you? Nasaan ka ba? Gusto kitang makita.

Pagak akong natawa at napailing sa kalokohan niya. I won’t be caught on your trap again, you asshole.

To: Casper
Then wait for me.

Hindi ko na hinintay ang reply niya at agad ibinalik ang cellphone sa bag. Maingay ang dalawa kong kapatid at panay ang tingin sa labas na hinayaan ko nalang dahil ayoko silang istorbohin.

If  only I could bring back the time where I’m not smitten to him. ‘Yong mga panahong ang tingin ko lang kay Casper ay isang amo at wala ng iba. I even swear to my self that I will not be one of his women but who am I fooling? Just my self. Lahat ng sinabi ko noon ay kinain ko lang kaya walang kwenta kung magsisisi ako ngayon. Ginusto ko rin naman ang makasama siya. Sadyang hindi lang talaga hanggang sa huli.

Nakarating kami sa airport mayamaya kaya tinext ko na si Dio na nandito na kami. Nakaalalay ako sa mga kapatid ko habang papasok kami sa airport dahil baka mawala pa sila sa dami ng tao rito.

Nanatili muna kami sa mga benches doon at nai-text ko na rin si Dio kung nasaan kami sa loob ng aiport. After a while of waiting, I saw Dio running towards us. Napatayo ako at kumaway sa kanya para mas mabilis niya kaming makita.

“Sino po ‘yan, ate?” Tanong ni Nicky na nakatingin sa papalapit na si Dio.

“He’s your cousin. Anak siya ng kapatid ni mama. Siya ang sasama sa inyo papuntang davao.”

“Hindi ka po ba sasama?”

I just smiled and pinch her cheek. Napaayos ako ng tayo at niyakap si Dio nang makalapit siya sa amin.

“I miss you cousin.”

“Likewise.” I tap his back. “pasensya na sa abala. Kailangan mo pa talagang bumiyahe ng malayo para sunduin kami.”

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now