Wala akong pakealam kahit nandito siya sa bahay. Pagpatak ng alas nuebe ng tanghali, nagbihis na ako para pumunta sa ob para sa check up. I made sure I got everything that I needed before I went downstairs. Hindi ko alam kung nasaan siya pero wala na akong pake at dire-diretso lang ang labas ko.

I don’t want to be late.

“Coleen!”

Napahinto ako sa paghakbang palabas ng gate nang marinig ang kanyang boses. I took a deep breath and plaster a small smile as I turn around to face him.

“Hi. I didn’t know that you’re here.” Ani ko nang makarating siya sa harapan ko na hinihingal.

“My car is here. Hindi mo nakita?”

I shook my head even though I know. “Hindi ko napansin.”

He nodded. Napakamot siya sa kanyang ulo at mukhang may gusto pang sabihin pero nagdadalawang isip.

Why Casper? Why won’t you tell me that you cheated? Bakit ayaw mong aminin sa akin na binuntis mo si Lilliene?

“May sasabihin ka pa ba? Aalis na kasi ako.”

Nagulat siya sa paraan ng pananalita ko pero mukhang naintindihan niyang wala ako sa mood dahil tumango lang ito.

“Where are you going? Ihahatid na kita. Kukunin ko lang ang susi ng sasakyan.”

“No need.” Mabilis akong umiling nang akmang babalik siya sa loob ng bahay. “si Onyx ang susundo sa akin.” I lied.

Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa akin na may gulat na ekspresyon sa mukha. His eyes seems defeated but mine were the worse one. Wala siyang karapatang masaktan sa lahat ng ginawa niya.

“W-Why him? Kayong dalawa lang ba o marami kayo? May babae bang kasama? C’mon babe, tell me. I’ll drive you to where you’re going.”

Kumunot ang noo ko. Matiim ko siyang tinitigan nang may mapansin.

“Did you just call me babe? Hindi ‘yan ang endearment mo sa akin, Casper.” I suspiciously said. Nagsimulang manikip ang dibdib ko nang makita ang takot at kaba sa kanyang berdeng mga mata.

“You know what, never mind.” Mapait akong ngumiti at umiling-iling dahil hindi siya nakasagot sa sinabi ko. “mauna na ako. Ayokong ma-late.”

Tumalikod na ako at mabilis ang hakbang na nilisan ang lugar. When I made sure that I’m far away from him, I let my tears mess my face. Napatakip ako sa sariling bibig para pigilan ang hagulhol na gustong kumawala rito.

I tried my very best to calm my self because it’s not good for the baby. Malalaman nitong malungkot ako at nasasaktan at ayoko ‘yong mangyari. Kaya kahit mahirap, pinakalma ko ang sarili at bago makalabas ng gate ay siniguro kong maayos na ang mukha ko.

Mabilis akong nakasakay ng taxi kaya hindi ako nahirapan. Sadyang masakit lang talaga ang puso ko sa panibago kong nalaman. I don’t want to assume thing but I guess what I heard is enough proof.

He miscalled me and he didn’t even answer my simple question. Ganito nalang ba talaga, Coleen? Hahayaan mo ba ang sarili mo sa sitwasyong ito? Mas lalo ka pa bang magpapaka-tanga sa paligid mo? Hahayan mo nalang bang pangunahan ka ng nararamdaman mo? Sa tingin ko tama na. Kailangan ko na nang pahinga.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now