"Hello, nice to meet you."

Napahinga ako ng malalim. Even her voice is angelic! Pamilyar ang built niya pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

"It's nice to meet you too."

Hinayaan ko si Casper na makipag-catch up sa matalik niyang kaibigan at nagpaalam rito na mauupo muna ako. Ayaw niya sana pero dahil mapilit ako ay wala na siyang nagawa sa bandang huli.

I went looking for a sit and luckily, I got one. Sa sulok ako umupo at kumuha ng white wine sa buffet table nang madaanan ko ito. Now that I got to sit here, his simple party is not totally simple.

Oo nga at medyo marami-rami naman ang mga bisita pero alam ko kung ano ang katayuan nila sa buhay. Kung hindi mga negosyante, mga kilalang lawyer at engineer naman. Kanina nga ay may nakita pa akong isang sikat na modelo na madalas kong nakikita sa billboard papuntang eskwelahan.

They are beyond my reach and I felt like I don't belong here. Hindi ako makasabay, parang out of place talaga ako pero ayoko nang isipin pa 'yon.

Kailangan ko lang mag enjoy. Ayokong maging kj at party ito ng taong mahal ko. Seeing him happy makes me contended.

Nagsimula ang party nang hindi man lang ako hinanap ni Casper at ayos lang 'yon. Naiintindihan ko kung bakit sa dami ba naman ng bisita niya na palagi siyang hinaharang.

Kaya ako, tahimik sa sulok at kumakain. Nagpapakabusog habang ine-enjoy ang mata sa pag tingin sa paligid. May ibang sumasayaw sa gitna, 'yong iba may sariling mundo katulad ko. Si Casper? Hindi ko alam kung nasaan pero sigurado akong nandiyan lang siya sa paligid.

Nakita ko si Tito at Tita kanina na may ine-entertain at balak pa akong isama ni Tita pero magalang akong humindi. Hindi ko alam kung kaya ko bang makipaghalubilo sa mga kilalang tao dito. Hindi ko rin alam kung paano umakto ng tama nang hindi kinakabahan.

"Excuse me, may nakaupo ba dito?"

Napatigil ako sa pagsubo at nag-angat ng tingin sa nagtanong. I softly smiled and shook my head.

"Walang nakaupo diyan. You can take that seat."

"Thank you." He sweetly smiled.

Kagaya ko, may dala rin itong pagkain at tahimik kaming kumain doon. Pumailalang ang magandang musika mula sa byolin na nagpakalma sa buong sistema ko. Kanina pa ako nakaupo dito at kung hindi iinom ay kakain nalang. Wala akong makausap, ayaw ko namang hanapin si Casper at sumama dito dahil sigurado akong wala rin akong magagawa. Isa pa, gusto kong mapag-isa muna siya. I wanted him to enjoy his party tonight. Solo ko naman siya bukas at susunod pang mga araw.

"I haven't.. seen you before." The man beside me trailed off. "bagong kaibigan ka ba ni Casper? Hindi kasi kita masyadong nakikita sa mga parties and such ng mga Miranda."

Napalingon ako dito. Hindi alam kung sasagutin ba ng maayos ang kanyang tanong o sasabihin na kaibigan lang ako ni Casper which is hindi naman.

"Ah, kasama ko si Casper." Iyon lang ang tangi kong nasabi sa kanya.

Para kasing napakahirap bigkasin na kasintahan ako ni Casper. Hindi naman sa kinakahiya ko pero, hindi ko maintindihan. Ganito ba talaga kapag walang napapatunayan? Kasi kapag sinabi ko ang namamagitan sa aming dalawa, parang hindi kapani-paniwala.

"I see." Napatango-tango ito. "ikaw 'yong nakita ko kanina na kasama niya. I saw you two in the entrance with Tita Sylvia and Tito Chase."

Tumango ako. Hindi siya nagkakamali sa nakita niya.

"Oo, ako nga 'yon."

Natahimik na kaming dalawa at nagpatuloy nalang sa pag kain. Hindi ko naman siya kilala para makipag-close dito at isa pa, nakakahiya 'yon sa parte ko. Kahit sabihing siya naman ang unang kumausap sa akin, wala parin akong lakas ng loob para kausapin siya na parang matalik na kaibigan.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now