Ilang minuto ang nakalipas, pumasok kami sa isang subdivision kung nasaan ang bahay nina Michelle. Medyo malayo sa gate ang bahay nila pero dahil naka-kotse naman ay nakarating agad kami doon.

"Don't forget to call me. Even if I'm busy, I always prioritize you." Bilin ni Casper nang huminto ang kotse niya sa harap ng bahay ni Michelle.

Kung paano ko nalaman? Siyempre dahil nasa labas siya at kasama si Jim. Mukhang hinihintay na makarating ang iba pa naming kagrupo.

"Opo. Hindi ko kakalimutan. Mag-ingat ka sa pag biyahe pabalik." I reassuringly smiled at him.

Mukhang hindi pa siya kontento dahil nakanguso ang loko kaya naiiling na natawa ako at dumukwang para halikan siya sa labi.

"Satisfied?"

Ngumiti siya at pumalibot ang kanyang kamay sa aking beywang saka ulit ako hinalikan sa labi. This time, he kissed me with tongue and I like it. Kung hindi ko lang naalala na nasa labas sina Jim at Michelle ay hindi ko pa siya maitutulak.

"Chill, heavy tinted and kotse ko." He chuckled as he planted a soft kiss in my cheek.

Nag-init ang pisngi na lumayo ako sa kanya at mahinang tinampal ang kanyang labi.

"Ikaw talaga, walang pinipiling lugar ang kahalayan mo. Kahit na heavy tinted itong kotse, magtataka parin ang mga kaklase ko kung bakit ang tagal kong nakalabas. Diyan ka na nga."

Tanging halakhak lang ang narinig ko galing sa kanya nang makalabas ako ng kotse. Saka ko lang pinakawalan ang pinipigil kong ngiti na siya lang ang dahilan.

Daily dose of Casper Miranda.

"Coleen!"

Kumaway ako kay Michelle nang tawagin niya ako at dagli akong lumapit sa kanya saka siya saglit na niyakap.

"Mabuti nalang at nandito ka sa labas. Sa dami ng bahay dito, hindi ko talaga malalaman kung nasaan ang inyo."

"Oo nga eh. Actually, si Jim talaga ang nag suggest na maghintay kami sa labas para malaman niyo agad kung saan ang bahay namin." Tumigil ito at pasimpleng nginuso ang kotse ni Casper na hindi parin umaalis. "boyfriend mo ba 'yang naghatid sayo?"

Agaran akong tumango. Walang pagdadalawang-isip na sinagot ang kanyang tanong.

"Oo, hindi ko nga lang alam kung bakit hindi pa umaalis."

"Ito naman, parang hindi girlfriend. Ipakilala mo naman sa amin." Mahina pa niya akong siniko kaya napasimangot ako at muling napatingin sa kotse.

I was about to tell Michelle that my boyfriend is a busy man but it was too late when Casper stepped out from the car while holding my laptop.

Saka ko lang napansin na hindi ko nga dala ang laptop na naiwan ko sa dash board ng kanyang kotse dahil doon ko ito nilagay habang inaayos ko ang sarili.

"You forgot this."

I blinked my eyes enumerably times. I didn't notice that he's now in front of me.

"S-Salamat." Kinuha ko sa kanya ang laptop. "hindi ka pa ba aalis? Sa pagkakaalam ko may meeting ka ngayon."

"I am the boss so they should wait. You are my priority first before others."

I bit my lower lip to suppress my smile. Tumango nalang ako dito at bahagyang kumaway.

"I know. Take care, okay? We'll see each other later."

"Even though it's hard for me to leave you like this, I won't let my selfishness control me." He smiled. "enjoy this day. Pakibilisan nga lang dahil medyo inipin pa naman ako pagdating sayo."

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now