I lick my lower lip and slowly, I hugged my sister from the back.

"H-Hayaan muna natin si Papa. Sigurado akong nasa maayos na kalagayan siya ngayon. Si Papa pa ba?"

"Pero gusto ko po siyang makita. Miss ko na po si Papa."

Dumiin ang pag kagat ko sa pang-ibabang labi para pigilan na mapaiyak sa kanyang sinabi. Mabuti na lang at hindi nakatingin sa amin si Nica kaya hindi niya napansin ang pag-iinit ng mata ko dahil sa luha.

"Kakausapin ko si Papa, h-hmm? Gagawa ng paraan si ate para papuntahin siya dito."

"Talaga po, ate?!" Nicky exclaimed in happiness. "thank you po!"

"Hmm."

My sisters were so happy as they converse about our father. Habang ako ay pasimpleng hinahaplos ang dibdib kung nasaan ang puso ko dahil sa masakit ito. Every beat of it is aching. Ayokong magsinungaling sa mga kapatid ko pero kung ito lang ang paraan para hindi sila masaktan, gagawin ko. Ayokong malaman nila na nawawala si Papa. Ngayong nangungulila sila sa kanya, gagawa ako ng paraan para mahanap siya.

I was too focused at my studies and work that I forgot about our father. Nasaan na kaya siya ngayon? Nasa maayos na lagay naman siya, 'di ba? Hindi naman siguro pinapabayaan ni Papa ang kanyang sarili, 'di ba?

Kahit naman lasenggero siya, kilala ko nang totoo si Papa. Matapang siya at madiskarteng tao. Isa 'yon sa nagustuhan ni Mama sa kanya kaya sigurado akong maayos lang si Papa.

But still, it pained me knowing that he's nowhere to be found. That he leave without telling anybody where he is.

Nanatili pa ako doon ng ilang oras at nagpapasalamat akong hindi na binanggit ni Nicky ang tungkol sa ama namin. Hinatid ko sila sa loob ng bahay ampunan at nang masiguro na ayos lang sila ay saka ako umalis matapos magpasalamat kina sister.

Bumalik ako sa kompanya para kausapin rin si Casper at kung maaari, gusto kong humingi ng tulong sa kanya sa paghahanap kay Papa. I know I can't do it alone at kung ayos lang sa kanya, gagawin ko lahat ng gusto niya.

Casper still owns me literally, anyways.

Napailing-iling ako sa naisip at lumabas sa elevator nang bumukas ito. Tinanguan lang ako ni Mattias nang makita ako at nagpatuloy sa pagtatrabaho kaya napangiti ako at dumiretso papasok sa opisina ni Casper.

"When I said no, it's a no. Meeting adjourned."

Iyon ang naabutan ko papasok at pabagsak na isinara ni Casper ang laptop at hinilot ang sariling sentido. He looks stressed yet he's still handsome as ever. Ano pa nga bang bago sa taong 'to? Bukod sa sobrang gwapo, sobrang sweet din at maalalahanin.

"Tired?" I broke the silence as I closed the door behind me.

Nagmulat ito at napa-ayos nang upo habang hinihilot parin ang sentido.

"A little."

Tipid na ngumiti ako bago naglakad patungo sa kanyang likod para masahiin ang kanyang ulo. He leaned in as he let me massage him and I wholeheartedly did it. Mula sa ulo, pababa sa kanyang balikat ay minasahe ko. Saka lang ako tumigil nang hulihin niya ang kamay ko at paupuin ako sa kanya hita.

"Are you crying?" He asked, his forehead were creased as he softly caress the under of my eyes.

"Oo, pero saglit lang." I honestly told him and fainted a smile. Kanina sa kotse, hindi ko na napigilan ang sariling emosyon at tuluyan ng naiyak. Kaya hindi rin kataka-takang napansin ni Casper ang pamumula ng mata ko. "may naalala lang ako."

"And that is, hmm?" Bumaba ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. "may umaway ba sa 'yo? May problema ka ba? P'wede mo namang sabihin sa akin kung ayos lang sayo. I will help you in any way I can."

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now