His gesture is sweet and I admit I felt giddy but when I remember what happened last night, I frown.

"Ikaw ba ang nagdala sa 'kin dito?" Sa halip ay tanong ko imbes na batiin siya ng magandang umaga.

"Good morning to you too, Casper. And yes, let's have breakfast." He sarcastically said and put the tray on the bed. Napasimangot siya kalaunan. "yeah, ako ang nagdala sayo dito. Why did you even slept out there? It's freezing cold, you know."

Pekeng ngumiti ako. "Nakatulog kasi ako kakahintay na matunawan dahil ang lalaking nakipag-deal sa akin na hatid sundo niya raw ako ay abala sa pagkain ng kipay. Nasagot ko na ba ang tanong mo, mister Miranda?"

"Oh." Ngumiwi ito. Napairap naman ako at umayos ng upo sa kama. "ahm.. how did you know?"

Napaamang ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.

"Seriously? Malamang tinext ako ng babae mo! Gago."

"Watch your words, woman." Pinantayan nito ang masama kong tingin. "you could just go home and texted me. Hindi 'yong maghihintay ka sa 'kin ng matagal. Paano nalang kapag napahamak ka sa daan?"

"Sana tinanong mo 'yan sa sarili mo bago mo sabihin sa akin na hindi kita hintayin. I texted you, Casper. At sinadya kong hintayin ka dahil gusto kitang makausap!"

He looks baffled. Hindi siya nakasagot kaya nanatili ang matalim kong tingin sa kanya. I don't know why but I felt betrayed. Nagtiwala ako sa kanya na susundin niya ako pero anong kagaguhan ang ginawa niya? He got laid and forget me like I didn't exist.

"You wanted to talk to me?"

Nag-iwas ako ng tingin at humugot ng malalim na hininga.

"Lumabas ka na. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa paghatid sa 'kin dito."

Tumayo ako nang hindi sinasagot ang kanyang tanong at pumasok sa banyo para mag-ayos sa sarili. Sa katunayan, mas matagal pa yata ang pagmukmok ko doon keysa sa pag ligo kaya nang makalabas ako, malamig na ang pagkain at wala na rin si Casper.

Did I sounded rude towards him? I don't think so. Sinabi ko lang naman ang totoong nararamdaman ko at gusto kong malaman niya 'yon. Nagtatampo siya sa akin? P'wes ako galit sa kanya.

Sa kagustuhan na hindi ko siya gustong makita, kinain ko nalang ang pagkain na hinanda niya sa akin. In fairness, he actually thought of bringing me some food up here. It's actually sweet pero dahil sa ginawa niya, nanggigigil parin ako. Ininom ko rin ang kasama gatas na kahit papaano ay medyo mainit pa. Nang matapos, lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina para lang maabutan siyang umiinom ng canned beer.

"Akala ko umalis ka na." Pukaw ko sa kanya pero hindi man lang siya nag-angat ng tingin sa akin. Sa halip ay patuloy lang siya sa pag-inom ng alak.

Napailing ako at naglakad sa sink para ilagay ang pinagkainan ko. Binuksan ko ang faucet at nagsimulang maglinis pero halos mabitawan ko ang plato nang may yumakap sa beywang ko at pagdantay ng noo sa aking balikat.

"What are you doing to me, Cole? Why..why it turns out like this?"

Halos hindi ako makahinga sa sinasabi at ginawa niyang paghaplos sa aking beywang. Naibaba ko ang plato nang wala sa oras dahil baka mahulog pa ito at mabasag.

"Casper.."

"I was sulking because I was expecting you to call me and fetch you there. I was worried, Coleen. Damn. I don't even know why I felt this way. Hindi ko maiwasang mag-isip ng ganoong bagay."

Napasinghap ako nang humigpit ang yakap niya sa aking beywang. I can feel his breath fanning into my neck and damn.. I felt so weak. His body were pressed against my back. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

SOLD TO THE BILLIONAIRENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ