It was all because of Casper. He let me experience things I've never been to. Kaya sa tanong kanina ni Nica kung thankful ba ako? Sobra-sobra.

"Ako ng bahala sa kanila. Hintayin mo nalang ako dito." Sambit ni Casper nang makarating kami sa orphanage at walang kahirap-hirap na kinarga ang dalawa kong kapatid.

"Sasama ako. Gusto kong pasalamatan sila sister."

He stared at me for a while and nodded.

"Okay. If that's what you want."

Tumalikod ito at naunang naglakad habang ako ay nakasunod lang dito.  Tirik na tirik ang araw at mabuti nalang ay maraming puno na nakakalat sa paligid kaya hindi masakit sa balat ang init. Sinadya rin ni Casper na mag park malapit sa bahay para hindi siya mahirapan sa dalawa.

Nang makapasok, may nag assist kay Casper paakyat sa taas habang ako naman ay lumapit sa isang ginang na nag-aasikaso sa mga bata doon.

"Hi."

Tumigil ito at nag-angat ng tingin sa akin.

"Hi. Kamusta ang lakad niyo?"

Nagulat ako sa tanong niya pero natauhan rin kalaunan. Mukhang alam nito ang pamamayal namin ni Casper kasama ang dalawang bata.

"Maayos naman. Masaya."

"Mabuti naman kung gano'n. Babalik ka parin dito, hindi ba?"

Tumango ako, lumingon sa paligid at pinapanood ang mga batang may sariling mundo.

"Oho, pero hindi ko pa po alam kung kailan ulit ako makakabalik dito. Pero sisiguraduhin ko na bibisita ako kapag may mahaba akong oras."

"Siguradong matutuwa ang mga kapatid mo kapag narinig ka nila ngayon. Isa pa, hija, papayagan ka naman ni Casper kapag kinausap mo siya. Kasintahan ka ba niya?"

"Ho?" Napamulagat ako at mabilis na umiling. Ewan ko ba pero nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "naku, hindi po. Uhm, k-kasambahay lang po niya ako. Tinutulungan lang po niya ako tungkol dito kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Isa pa, ayoko pong abusuhin ang pagtulong niya sa akin."

Natawa ito at bahagyang napailing.

"Nakakatuwa ka naman. Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin."

"Po? Ah, ano po bang ibig niyong sabihin?"

Hiniwakan nito ang kamay ko at marahang pinisil.

"Subukan mo siyang kausapin tungkol dito at siguradong papayagan ka niya. Mabait na bata si Casper."

Bahagya akong napangiwi sa narinig.

"Mabait?"

"Oo. Sobra." Puno ng pagmamalaki ang boses nito. "parati siyang tumutulong dito kapag may oras siya o 'di kaya'y nagsasagawa ng pagtitipon para sa charity. Siya ang may malaking naitulong sa amin, mula sa pangunahing kakailangan namin dito hanggang sa pag-aaral ng mga bata. Nang dahil sa kanya, nabibigyan ng pagkakataon ang mga bata dito na magkaroon ng sariling pamilya. Kaya katulad mo, malaki rin ang utang na loob namin sa kanya."

Napalunok ako, huminga ng malalim at sumulyap sa hagdan sa nakakonekta sa pangalawang palapag ng bahay ampunan.

I didn't know he had this side. Likas na matulungin lang ba talaga siya kaya niya rin ginagawa ang lahat mapasaya lang ang mga kapatid ko? But.. that's too much. Sobra-sobra na 'yon na hindi ko na alam kung paano siya pasasalamatan. Does he accept thanks, though?

"Susubukan ko po." Sagot ko mayamaya at lumingon dito. "Gusto ko rin po kasing bisitahin ang dalawa para masiguro na maayos sila."

"Hayaan mo, maayos na maayos sila dito." Pinisil nito ang kamay ko na para bang sinasabi na pagkatiwalaan ko lang sila.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now