She giggled. Hinawakan nito ang kamay kong humahaplos sa kanyang buhok at pinisil-pisil.

"Sana po forever ng ganito ate, noh? Ang saya-saya po kasi."

Masuyong ngumiti ako at pinatakan ng halik ang kanyang noo.

"Don't say that, Nica. Hindi ito forever na magaganap dahil hindi naman totoo ang forever. Isa pa, may sariling buhay ang kuya Casper mo. Pasalamat nga tayo at gumawa siya ng paraan para maipasyal niya kayo. Just be thankful, okay?"

"Okay po." Ngumuso ito. Ang itim na mga mata ay kumikislap sa saya. "ikaw po ba ate? Masaya ka po ba?"

I nodded almost immediately. Walang patutunguhan kung magsisinungaling ako sa kapatid ko.

"Oo naman. Sobra-sobra na hindi ko maipaliwanag."

"Ibig po bang sabihin, thankful ka rin po?"

"Sobra."

Sa mga nakalipas na oras na kasama ko sila ay mas lalong nagiging masaya ang bawat sandali. Hindi nawala ang ngiti sa labi ng dalawa kong kapatid at si Casper naman ay ginagawa ang lahat para sa mga kapatid ko. Thanking him is not enough. Kaya gagawa ako ng paraan para bumawi sa kanya. Hindi p'wedeng siya nalang palagi at wala akong ginagawa. Kung kailangan kong magtrabaho para sa pansarili kong gastusin, gagawin ko. I don't want to rely on him. Isa pa, sanay naman ako.

Mabilis na lumipas ang oras habang kasama ko sila at masaya dahil ngayon, bumabiyahe na kami pauwi sa orphanage at ang dalawang bulilit ay mahimbing na natutulog sa likod. I smiled softly when I looked at them. Saka ko nilingon si Casper na abala sa pagmamaneho.

"Salamat sa lahat, Casper. Sobra-sobra na 'tong ginagawa mo sa amin."

"I don't accept thanks, Cole." His voice were serious. Bakas ang pagod sa mukha nito pero bakit ang gwapo parin niya?

"Then what? Sabihin mo at gagawin ko." Determinado kong sambit na dahilan para sumilay ang ngiti niya sa labi.

"You sure?"

I gulped. Bakit parang kinakabahan ako sa ngiti niya?

"Yes." I breath. Kung 'yon lang ang paraan para pasalamatan ko siya, then fine. Gagawin ko.

"Then cook me something for dinner tonight. Is that alright?"

Napakurap-kurap ako. Hindi inaasahan na gano'n kasimple ang ipapagawa niya sa akin.

"O-Oo naman. Walang problema. 'Yon lang ba?"

"Yep. Bakit? Gusto mong dadagan ko?"

Mabilis akong umiling. "No. Sapat na 'yon."

"Great! It settled then."

Nag-iwas ako ng tingin at hindi na umimik. Bahagyang napailing dahil sa kakulitan niya. Casper is upredictable sometimes. Kakabahan ka sa ngiting ibibigay niya pero sa huli, tutuksuhin ka lang pala. Hindi mo mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan dahil mapaglaro ang emosyong pinapakita nito.

Okay, I admit. My first impression to him is kinda awful. Akala ko siya 'yong tao na mag te-take advantage ng isang sitwasyon kung saan siya ang nakakalamang. Katulad ngayon, binili niya ako at literal na pagmamay-ari pero hindi niya ako ginawan ng masama. Sa halip ay ginawa lang akong maid at tinulungan pa ako sa mga kapatid ko. I'm a bad girl for thinking that, huh? Masisisi ko ba ang sarili ko?

Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ulit ako nakaranas ng totoong kasiyahan. Wala akong iniisip na problema. Hindi ko iniisip na kumayod sa trabaho para pakainin ang dalawa kong kapatid. Nawala na sa isip ko na problemahin ang pagiging lasenggero ni Tatay.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now