Kabanata 38

10.6K 221 94
                                    

38 – Breathe

"I won't ask for what happened. I went there because I want to have dinner with you. Sakto pa rin naman ang punta ko."

Hindi ko mapigilan ang luha ko kahit sa sasakyan. Nakalayo na kami ngunit ang sakit ay dala ko pa rin. Ang mga salita ni nanay ay paulit-ulit kong naririnig. Ni hindi ko tinignan si Tita Camila nang magsalita siya sa sobrang hiya. She witnessed that.

Mabuti at tumigil kahit papaano ang luha ko nang makarating sa hotel. I wasn't speaking to tita, and was just following her. Nakayuko lamang ako habang sumusunod sa kaniya sa pasilyo. She then stopped in front of a room before knocking.

Nang magbukas ang pinto ay sumalubong sa amin si Caleb. His eyes widened as he didn't expect to see me. Kumunot ang noo niya nang makitang namumula at namamaga ang mukha ko.

"Leiana? What happened?" he worriedly asked.

Umiling ako at pinigilan ang mga luha ko. He gently pulled me closer to him and touched my face. Hindi ko siya tinignan sa mga mata.

"I'm going back to my room. Have a good night." paalam ng ina.

I cleared my throat and deeply inhaled. Pinunasan ko ang mga mata ko at pilit na ngumiti at tumango kay tita. Agad inagaw ni Caleb ang paningin at atensiyon ko upang harapin ko siya.

"Can I sleep here tonight?" I asked.

He nodded. "Of course."

Niluwangan niya ang bukas ng pinto at hawak ang baywang ko na inalalayan ako papasok ng kuwarto. The room was almost the same as mine. Halos ibagsak ko ang sarili ko sa kama sa pagkawala ng lakas.

"What happened? Why did you cry?"

"Huwag na muna nating pag-usapan." walang buhay kong sagot.

Tahimik akong humiga at pilit na pumikit para itulog na lang ang pagod ko. Caleb sat down the floor to face me. Bumuntong-hininga ako at tinignan siya.

"Inaway ka ba ni mama?"

"Your mom saved me. Wala siyang kinalaman dito."

"Then what happened? Bakit ka umiyak?"

He touched my cheek and gently caressed it. Muli akong napapikit kasabay ng pamumuo ng luha ko. I shook my head and forced a smile. I can't talk about it this time.

"Bukas na tayo mag-usap.." pag-iwas ko.

Huminga siya nang malalim at nagpaubaya. "Alright. If that's what you want."

Hindi siya umalis sa pagkakaupo sa sahig at hinawakan lang ang kamay ko hanggang sa makatulog ako. Kahit papaano naman ay nabawasan no'n ang pag-aalala sa dibdib ko, pero ang pagod ay hindi. I just feel so drained. Ang sakit ng mga salita ni nanay, hindi ko matanggap.

I fell asleep so easily. Kinabukasan ay nagising ako sa mabangong amoy na galing sa mini-kitchen. Nang bumaling ako ro'n ay nakita ko agad si Caleb na nagluluto. I smiled a little and stared at his back. Bahagya siyang nakayuko dahil masyadong mababa para sa kaniya ang countertop.

Bumangon ako at kinusot ang mata kong namamaga pa rin. I sighed deeply and fixed my hair. Bumaling sa akin si Caleb nang marinig ang paggalaw ko. He turned the stove off and placed the food on the counter.

"I cooked these. Hindi ko alam kung magugustuhan mo."

I smiled. "Salamat, Caleb.."

Nakangiti akong tumayo mula sa kama at tumungo ro'n. His eyes were on me. Malamang ay ang na sa isip niya ay tungkol sa nangyari sa akin kagabi. Pilit siyang ngumiti pabalik at inalalayan akong umupo.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن