Kabanata 22

8.6K 195 95
                                    

22 – Tattooed

Marahil nga ay tama ang babala ng mga matatanda. Na kadalasan, ang una mong mamahalin ay hindi ang makakasama mo hanggang huli. Siguro ay nasasabi nila dahil naranasan nila. Their experience taught them that. Na ang una nilang minahal ay hindi hanggang huli.

Kadalasang bukang-bibig ng iba ay kung mahal mo, ipaglalaban mo. Paano kung hindi ko magagawa? Ibig sabihin ba ay hind na naging totoo ang pagmamahal ko? Peke ba ang naramdaman ko? Nagsinungaling ba ako?

Hindi ko alam ang sagot.. Ang alam ko lang ay ayaw kong mawala ang pamilya ko.. Gusto kong maibalik ang taniman, ngunit hindi sa ganitong paraan.. Pero, ano pa nga ba ang magagawa ko? Kinamumuhian na ako ng ina ko. Nawawala na sa akin ang pamilya ko.

Natulala ako sa harap ng mansiyon ng mga Aguilar sa Louisiana Plantation. Napakaganda ng mansiyon na napaliligiran ng mga bulaklak. Nagiging payapa tuloy ang atmospera. Ang engradeng hagdan ang unang sumalubong sa akin.

I inhaled deeply and shut my eyes firmly. Nang dumilat ako ay isang katulong na mula sa loob ng bahay ang lumabas para harapin ako. I forced a smile at her.

"Kumusta po, ma'am.." bati ko.

"Ano pong kailangan nila?"

Nanatili ang malakas na tibok ng puso ko. I glanced at the window where Caleb's room is located. Bukas ang bintana ngunit walang tao.

"Narito po ba si Caleb?" Tanong ko.

"Umalis po si sir. May gagawin lang daw po sandali."

Para akong naginhawaan sa sinabi niya. I came here to talk to him but I'm glad he's not here. Tumango ako sa katulong habang nananatili ang ngiti.

"Okay po, ma'am. Salamat."

Tumalikod ako at naglakad palabas ng plantasyon. Tanghali na rin at hindi naman kami nakapag-usap ng umaga dahil madaling-araw na kaming umuwi. I slept outside our house. Nang dumating kasi ako ay sarado na ang pinto at mga bintana. At kahit naman bukas iyon ay hindi pa rin ako papapasukin ni nanay.

Tahimik akong naglalakad sa lupang kalsada nang may mapansing itim na kotseng nakaparada sa tapat ng bahay namin. Agad akong kinabahan kasabay ng pagkirot ng puso ko. Huminga ako nang malalim, tila ayaw pang umuwi sa amin.

Wala rin akong nagawa kung hindi pumasok ng bahay. Mas tatagal lamang kung hindi ko haharapin ito. Nang makarating doon ay agad hinanap ng mga mata ko ang taong inaasahan ko.

"Kumusta ka, Malia?"

There was a smirk on Camila Ponce de Leon's face. Ang kulot at maiksi niyang buhok ay maayos na nakapinid kaya naman kita ang diamante sa kaniyang tainga. She was wearing a red sleeveless top and a skirt. Ang shades niya ay na sa kaniyang ulo.

Nanay smiled at me and pulled me to her to sit down. Hindi ko siya halos matignan sa galit ko. I bit my lower lip and inhaled deeply. Nasasaktan akong makita ang saya sa mukha ni nanay.

"Ang sabi ni Amelia ay nag-usap na kayong dalawa. Tatanggapin mo na ang pera."

Nanay nodded to respond for me. Hindi ako sumagot at nanatili ang paningin nang lampas sa kaniya. Kuya was also here. Tahimik lang siyang nakaupo at nakikinig sa pinag-uusapan namin.

"Sinasabi ko na nga bang hindi mo matatanggihan ang alok ko. Para na rin naman ito sa yumao mong ama, hindi ba? Matutuwa na siya sa'yo."

She chuckled. Namuo ang luha ko sa pinaghalong sakit at galit. I gulped hard and glanced at kuya. Isang beses siyang tumango sa akin bago tuluyang pumasok sa kuwarto.

"Sa totoo lang ay naiinggit ako sa'yo, Amelia. Mayroong kang anak na gaya ni Malia.." nakangiti niyang sabi. "Hindi makasarili at family oriented. Lahat talaga gagawin para sa pamilya."

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Where stories live. Discover now