Kabanata 32

9.1K 212 214
                                    

32 – Blame

I didn't know what happened. Matapos bumangga ang kotse sa punong iyon ay wala na akong maalalang kahit na ano. I tried to open my eyes but my vision was blurry. Ang tanging nakita ko lamang ay ang duguan kong kamay, pati na ang tumutulong dugo mula sa noo ko. Walang malay si Noelle. There was smoke coming from the car. Gustuhin ko mang lumabas at gisingin si Noelle ay hindi ko nagawa. Nawalan na rin ako ng malay matapos iyon.

I woke up in a white room. Ang unang sumalubong sa akin ay ang puting kisame ng kuwarto. Masakit ang buong katawan ko at nararamdaman ko ang benda sa braso at ulo ko. My other hand has an IV. Bumuga ako nang malalim na hininga at naubo.

"Leiana?"

Dahan-dahan akong lumingon sa tumawag sa pangalan ko. Malabo pa ang paningin ko ngunit siguradong si Caleb iyon. Hindi niya ako hinawakan at maingat na tinignan lamang ang kalagayan ko. Worry was evident on his face.

"I'll call the doctor. Wait for me here."

"S-si Noelle?" I asked. "Nasaan si Noelle?"

"Shh. Rest first, okay? Huwag mo muna siyang intindihin."

Akmang aalis na siya ngunit pinigilan ko siya. He turned to me again. Medyo nahihirapan pa akong magsalita dahil sa pagkatuyo ng lalamunan ko. Kahit ganito ang kalagayan ay hindi ko maiwasang mag-alala.

"Ayos lang ba siya? N-nasaan siya ngayon?"

"Hintayin mo ako, Leiana."

Tuluyan niya akong tinalikuran para tawagin ang nurse. Sinubukan kong luminga pa ngunit hindi ko magawa dahil sa sakit ng katawan. Ganito rin ba ang sinapit ni Noelle? Mas matindi pa? Sana ay hindi. Sana ay ayos lang siya.

Hindi rin nagtagal at dumating ang isang lalaking doktor kasama niya. I pursed my lips as he examined me. Marahan ang bawat hawak niya sa akin ngunit may kaonti pang sakit iyon. Halata ang pag-aalala ni Caleb habang pinanonood kami.

"You got few fractures from the accident and a broken bone on your arm. Ilang araw pa rito sa ospital at magiging maayos ka naman." ani ng doktor.

"Iyong kasama ko po rito.. Iyong babae, kumusta siya?" Tanong ko.

"She's on another room. Hindi ka pa muna puwedeng lumabas ng kuwarto at kailangan mong magpagaling."

Hindi man iyon nagustuhan ay wala akong nagawa kung hindi tumango. Hindi ko rin naman kakayanin pang umalis ng kama. The doctor turned to Caleb.

"Can I talk to you for a second?"

He nodded and followed him outside the room. Seryoso silang nag-usap sa labas habang ako ay pinanonood lamang sila mula sa salaming bintana. Matapos iyon ay umalis ang doktor at bumalik siya sa loob ng kuwarto.

"Anong sinabi ng doktor?"

"Bilin lang kung paano ka aalagaan."

He pulled the chair and sat down beside the bed. Itinukod niya ang siko niya sa kama bago bumaling sa akin. He was looking firmly at me. Matapang ang mga mata niya at mukhang galit ngunit may pag-aalala pa rin.

"What exactly happened, Leiana?"

I inhaled deeply and tried to remember everything. Ibig bang sabihin ay hindi pa gising si Noelle kaya hindi pa niya alam ang nangyayari?

"Noelle went to my hotel room. Ipinilit niyang mag-usap kami at ayusin na ang problema. Noong una ay hindi ako pumayag pero iyon ang gusto niyang mangyari."

"Hindi ba't sinabi kong sabay tayong haharap sa kanila?"

"I'm sorry.." I gulped hard. "Noelle was persistent. I can't drive because I am sick so I went in her car. Ang sabi niya ay pupuntahan namin si kuya para makapag-usap."

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon