Kabanata 34

9.3K 198 151
                                    

34 – Try

Two days have passed and I am still here in the hospital. Tinanggal na ang IV ko ngunit ang bandage sa ulo kong may sugat ay naroon pa rin. My cast is also still there. Dahil umuwi na ang team ko, wala na akong ibang kasama rito bukod kay Caleb at sa ina niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-bore.

Si nanay at kuya ay hindi na ako binalikan matapos ang nangyari. Kahit nakakalungkot na mas pinapaboran nila si Noelle kahit na hindi naman totoo ang sinasabi niyang ako ang may kasalanan, pinipilit ko na lamang na intindihin. Siguro ay ganito talaga. Sobrang nag-aalala si nanay sa kaniya kaya siya ang pinakikinggan. Si Noelle ay nawalan ng kakayahang makapaglakad, kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya.

"Kailan na ba ako puwedeng lumabas? Ayaw ko na ng pagkain dito." Reklamo ko.

"Malapit na. Don't be bored. Narito naman ako."

Ngumuso ako at tinitigan ang salaming bintana. Hindi ko naman makita ang kuwarto ni Noelle dahil na sa gilid iyon. I am still worried of her. Ni wala akong balita sa kaniya. I glanced at Caleb who's now using my laptop.

"Si Noelle kaya, kailan makakalabas?"

"Hindi ko alam. Your mother might know. Tutal siya ang laging kausap ng doktor."

Hindi ko inialis ang tingin ko sa kaniya. I tried to reach him with my hand. Nang makita ang pag-abot ko ay hinawakan niya ang kamay ko saka isinara ang laptop.

"Alam kong hindi maayos ang sitwasyon namin ngunit gusto kong malaman ang kalagayan niya.." ani ko. "Nag-aalala ako, Caleb."

He sighed and nodded. "I'll try to talk to your brother about her."

"Thank you. Sabihin mo agad sa akin, ah?"

Tumayo siya at hinalikan ang noo ko bago lumabas. Halos sampung minuto yata ang tinagal niya ro'n bago nakabalik. I smiled at him and tapped the side of my bed to make him sit down.

"He said she's fine. Sumusunod naman siya sa doktor kaya mabilis ang recovery. Iyon nga lang, hindi pa rin siya makakalakad."

"Habang buhay na ba iyon?" may pag-aalala kong tanong.

"Your brother didn't tell me. Hindi ko rin alam kung puwedeng idaan sa therapy."

I bit my lower lip and looked away. I understand her anger to me. She couldn't walk now and she's blaming me but I understand. She's frustrated and mad right now.

"Kailan daw sila lalabas ng ospital? May plano na ba?"

Tumango siya. "Inaasikaso na nila. Huwag kang mag-alala kay Noelle."

"Caleb, kahit mag-aaway kami, gusto ko siyang makita. Gusto kong alamin mismo kung anong lagay niya.."

Bumuntong-hininga siya at lalong lumapit sa akin. Alam ko namang hindi niya ako papayagan, pero gusto ko siyang makita kahit papaano. I know she'll shout at me because she's blaming me but I understand that.

"Kapatid ko ang babaeng iyon. Ate ko siya. Kaya, nag-aalala pa rin ako. Kahit na sigawan niya ako ay gusto kong malaman.."

"But I can't stand seeing you being treated like that.." malamlam niyang sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. He deeply breathed and kissed the back of my hand. Lumambot ang puso ko at napangiti.

"They can't shout at you. Hindi ka nila puwedeng alipustahin, lalong-lalo na sa harap ko."

I sniffed. "P-pamilya ko sila.."

"Being family does not give them the right to abuse you."

Napa-iwas ako ng tingin. Alam kong tama siya ngunit hindi ko kayang lunukin ang katotohanang iyon. Ang pamilya ko ang lahat sa akin. At kahit nasasaktan ako ay naiintindihan ko pa rin.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon