Kabanata 21

8.6K 197 49
                                    

21 - Promise

"Are you okay now?"

Nanatili akong tahimik na nakaupo sa kama niya. Muli akong humigop sa kapeng itinimpla niya para sa akin. Mabuti at nabawasan na ang panginginig ko. Ang paghikbi ko rin kanina ay wala na ngayon.

"Leiana.." tawag niya sa atensiyon ko.

Napabaling ako sa kaniya. "Huh?"

"What happened?"

Kinabahan agad ako sa tanong na iyon. He closed the door of his room and went to me. Umupo siya sa tabi ko kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. Ayoko namang sabihin sa kaniya ang talagang nangyari sa akin kanina.

"W-wala, Caleb.." tanggi ko.

He sighed and continued staring at me. Malakas pa rin ang ulan sa labas nang bumaling ako sa bintana. Muli akong tumingin kay Caleb nang hawakan niya ang kamay ko. Inayos niya pa ang kumot na nakatabon sa pang-ibaba ko.

"You know I've been worried about you these past weeks. Kahit ano ay wala kang sinasabi sa akin."

Nagkibit-balikat ako. "Ayos lang naman ako, e. Medyo naninibago lang na wala na si tatay."

Parang hindi siya naniwala sa malalim niyang hininga. Marahan niyang inialis ang wala ng lamang baso mula sa kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya.

"Come here.."

Sumunod ako at sumandal sa dibdib niya. I sighed and closed my eyes. Pamilya ko ang may problema kaya naman ayokong idamay pa siya. Kapag nalaman niya ang ginawa ng mama niya ay siguradong magagalit siya. Masisira sila.

"If there's a problem, you need to tell me. I want you to ask help from me. Huwag kang magdalawang-isip na tawagin ako."

Namuo ang luha ko. "K-kaya ko naman."

"I know. But let me be there for you.." marahan niyang sabi. "I know you're independent and you like to do things on your own, but please let me be there to support you."

I sniffed and forced myself not to be emotional. Para rin naman sa kaniya ang ginagawa ko. Para hindi na siya mahirapan. Para wala na siyang intindihing kahit na ano.

"I want to be part of it, Leiana. I want to be part of your life." He whispered.

Humigpit ang yakap ko sa kaniya. He's already a part of my life. Hindi niya na kailangang sabihing gusto niyang maging parte. Caleb inhaled deeply and placed his chin on my head.

"We're in a relationship but it feels like you're always far away from me. Parang lagi kang natatakot. Ano bang problema?"

Nabasag ang boses ko. "Caleb.."

"You can trust me. I can be anything you want. Sabihin mo sa akin ang kailangan mo at ako ang bahala sa mga iyon."

Inilayo niya ako sa pagkakayakap para harapin. Ni hindi ko kayang tumingin sa kaniya nang diretso. Siguro ay dahil nga alam kong gusto niyang sabihin ko ang mga problema ngunit hindi ko naman magagawa iyon. Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha ko at agad iyong pinunasan.

"S-sorry.. Kung lagi akong malayo.."

"Hey.. It's okay, I understand.." he answered. "We're new here. And we're going to work this out, okay?"

I nodded. "O-okay.."

Muli kong pinunasan ang pisngi ko dahil sa mga luhang tumulo. He gently smiled at me and touched my cheeks. Pilit din akong ngumiti para makita niyang ayos lang ako.

"If you're still not ready to tell me what really happened earlier, it's fine. Tell me whenever you feel comfortable."

Nang muling may mga luhang tumulo ay yumakap na lang ulit ako para itago ang mga iyon. He gladly accepted and embraced me. Hinalikan niya pa ang buhok ko habang pilit akong nagpipigil ng hikbi.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Where stories live. Discover now