Kabanata 11

9K 230 48
                                    

11 – Illegal

Hindi ko alam ang mararamdaman nang maging klaro sa mga mata ko ang lalaking na sa harap ko. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko rin alam ang dapat kong maging reaksiyon. Ang ideyang baka pinaglalaruan lang ako ng isip ko ang nanatili sa akin. Na baka dahil sa sobrang pag-iisip ko tungkol sa kaniya sa Maynila ay nakikita ko na siya kahit wala siya rito.

"Sir Caleb.."

Hindi niya ako sinagot. Nanatili ang tingin niya sa akin habang nakatayo lamang sa harap ko. Malakas ang kabog ng dibdib kong humakbang ng isang beses para lalo siyang makita sa ilalim ng ilaw.

"Anong ginagawa niyo rito?"

"Bumisita." Mabilis at malamig niyang sagot.

Naguguluhan akong humakbang muli. Gumagawa ng ingay ang iilang tuyong dahong naaapakan ko. Si Sir Caleb ay parang hindi handang sagutin ang mga tanong ko.

"Bumisita? Kanino?" Tanong ko ulit. "Anong ginagawa ninyo rito sa plantasyon na gabi na?"

Hindi siya agad sumagot. Iniwan ako no'n na lalong naguguluhan sa dahilan niya kung bakit naririto. Madali lang naman sagutin ang tanong ko, hindi ba?

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

"Tiga-rito ako. Ikaw, bakit ka narito?"

Kumunot ang noo niya. "Gabi na. Bakit narito ka pa?"

Umusbong sa akin ang inis, o hindi ko alam kung inis nga ba iyon. Parang lalo akong naguguluhan at hindi makahanap ng dahilan kung bakit siya narito gayong iniwan ko siya sa Maynila.

"Kasi nga malapit lang ang bahay namin dito! Ikaw ang tinatanong ko!"

Umiwas siya ng tingin. "I have nothing to do in Manila. That's why I am here."

Natigilan ako sa paghakbang. Iyon lang? Pumunta siya rito dahil walang gawain sa Maynila? So, gumagala lang siya rito ngayon?

"Bumiyahe ka ng mahigit sampung oras dahil wala kang gagawin sa Maynila? Niloloko mo ba ako?"

"Bakit ka nagagalit?" Agad niyang tanong.

"Hindi ako nagagalit. Nagulat akong narito ka!" Bulalas ko. "Pinaglalaruan ba ako ng utak ko o ano?!"

Pagak akong natawa at hinawi ang buhok ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko pa rin alam kung ideya ko lang ba ito, o kung nananaginip ba ako gaya noong mga panahong wala naman siya sa mansyon ngunit naiisip kong naroon siya sa kada araw na dumadaan. Hindi ko alam ang gagawin.

Inialis niya ang pagkaka-apak sa rosas at isinuot ang dalawang kamay sa bulsa. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang naglakad siya palapit sa akin. Lalong naging malinaw sa mga mata ko ang mukha niya kahit madilim.

"I came to see you."

"Ano?"

"I was bored. So, I came to see you." He simply said.

"Wow. Ano pala ako rito, palipasan ng pagka-bored?"

Hindi siya sumagot. Mukha siyang naguguluhan sa inakto ko. Kahit ako ay naguguluhan sa sarili ko! Kung narito ang amo ko, dapat ay maging mabait ako! Pero, sa gulat ko ay hindi ko na iyon magawa!

"Sis! Nakakuha ako, puwede raw!"

Walang nagsalita sa amin nang marinig namin ang boses ng palapit na si Maui. Mayroon na siyang dalang dalawang basket habang tumatakbo patungo sa akin.

"Heto ang sa'yo. Puwedeng pumitas–" natigilan siya at bumaling sa lalaki. "Sir Caleb?!"

"Kita mo na? Pati siya ay nagulat na narito ka!"

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Where stories live. Discover now