Kabanata 24

9.6K 225 166
                                    

24 – Nice

I thought I'd have the courage to forget after four years. Akala ko ay kapag nakita at natamasa ko ang lahat ng naging kapalit ng pagbitiw na ginawa ko ay masasabi kong hindi ako nagsisisi. I thought forgetting and forgiving myself would be easy because I have it all now. I reached the star I wanted. I have the job I dreamt of. My family is stable like I always wanted.

I had it rough. There are nights when I will always stay late, thinking about how it could've been if I didn't accept it. Mga gabing paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang taong binitiwan ko para makamit ang lahat ng ito. My words will always ring through my head. Ang pagsisinungaling ko ang bumabagabag sa akin hanggang ngayon.

Ano kayang nangyari kung hindi ako sumunod? Kung nagmatigas kaya ako ay makukuha pa rin namin ang taniman sa ibang paraan? Talaga nga kayang hindi na ako kikilalanin ni nanay kung ang lalaking iyon ang pinili ko? Would tatay be mad at me? Kami pa rin kaya hanggang ngayon? Ikinasal na kaya kami?

I chuckled at my thought. Napa-iling ako habang ang mga mata ay na sa lalaking kaharap ko. His eyes were dark and didn't change its shape. The first three buttons of his white shirt were open. His face matured in time. Mula sa matalas na panga hanggang sa matangos na ilong, hindi maikakailang lalong gumuwapo. Nanatili ang mga mata niya sa akin at hindi nagpatalo. He was cold. And that's what I expected.

I don't know if he knew that I work at Rosewood. Malakas ang kabog ng dibdib ko kahit na matapang ang ipinapakita. Hindi ko malaman ang rason niya kung bakit pumayag siyang ako ang piliin para sa kasal. Is he trying to show me that he's moved on? O talagang wala naman na siyang pakialam sa namagitan sa aming dalawa?

Whatever the reason is, it's fine. Narito ako para sa trabaho, hindi para balikan ang nakaraan. If he's moved on, then I am happy for him.

I looked away when I saw Miss Noelle Navarro walking towards us. Hinila ni Henry ang upuan para sa babae at bumalik sa tabi ko. She was smiling the whole time. Mukhang kakain yata muna kami bago mag-usap tungkol sa kasal nila.

"I kinda want it in Bangui, Noelle.." agad na banggit niya.

Ang mga mata ko ay nalipat mula sa pagkain patungo sa baritonong boses na nagsalita. He was still looking at me. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa tinuran niya. Bangui? Bangui Windmills?

Noelle shook her head. "That isn't a good place for a wedding, Javier."

"Why not?"

Itinukod ni Caleb ang pareho niyang siko sa lamesa. He shamelessly looked at me while playing with a hidden necklace underneath his white button down shirt. Napalunok ako at hindi ipinahalata ang kaba ko. What is he doing?

"A wedding at night under the stars.. White and blue flowers on the arch.. Aisle between the windmills.." he said.

Nanginig ang kamay ko sa tinuran niya. I immediately reached for my glass of water but it slipped from my hand. Nagulat ako sa nangyari at napatayo. I avoided making sound because I don't want to disturb other people. Ang ingay lamang sa paligid ay ang classical music sa tumutugtog.

"Miss Malia, are you okay?" Noelle asked.

"Yes, Miss Noelle. Sorry.."

I raised my hand and signaled to the crew to clean the mess I made. There was a small smile on Caleb's lips while playing with the fork on his plate. Hindi pa siya nagsisimulang kumain.

Nang malinis ang kalat ko ay agad akong humingi ng pasensiya at nagpasalamat sa crew. We decided to eat after that. Ang mukhang naiilang na si Noelle ay nagsalita sa akin.

"Is it okay if we drop formalities?" She asked. "I know it's not your type but I just thought it's better. You're organizing the best day of my life–"

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Where stories live. Discover now