Kabanata 8

7.9K 232 47
                                    

08 – Okay

"Manang Linda.." naiiyak kong sabi. "Sorry po."

Kahit nalinis na namin ni Maui ang lahat ay hindi ako umalis sa kusina. Imbis na linisin na ang sarili ko ay hinintay ko pa rin ang pagbabalik ni Manang linda. Gusto kong humingi ng tawad.

Nang dumating siya ay agad niyang hinila ang kaliwa kong braso sa tabi. Kunot ang noo niya at halata ang pagkadisgusto sa nangyari. Naiiyak na ako nang iharap niya ako sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"Pasensya na. Hindi ko po sinasadya."

Hinawakan niya ang dalawa kong braso at pilit kong hindi ininda ang sakit ng kanan. Mayroon ding mahapdi sa daliri ko na malamang ay nahiwa. Ayokong na makita nila iyon.

"Nasugatan ka ba kanina?"

"Hindi po." Pagsisinungaling ko.

Nang bitiwan niya ako ay itinago ko ang kamay ko sa likod. Yumuko ako at pilit na pinigilan ang luha ko. Ayokong malamang pinagalitan siya dahil sa akin.

"Alam kong wala kang kasalanan. Nakita ko ang nangyari."

Napaangat ako ng tingin nang himasin niya ang pisngi ko. Lalo akong naluha nang makita ang pag-aalala sa mga mata niya. Bumuntong-hininga si manang at nagsalita.

"Huwag mo na lang lalapitan ang kahit sino sa dalawa niyang anak. Kung gagawin mo iyon, walang gulong mangyayari."

"Tungkol ba ito kay Sir Caleb?" Agad kong tanong.

Hindi sumagot si manang, kumpirmasyon na tama nga ako. Noong nakita niya akong nagdala ng kape ay inayawan niya iyon agad kahit hindi niya direktang sinabi. Naging halata iyon sa kilos niya. Ayaw niya ang ginawa ko.

"Nagdadala lang naman ako ng kape tuwing umaga, manang. Iyon lang.." paliwanag ko. "Nakita lang ako ni Ma'am Camila nang isang beses at parang hindi niya nagustuhan."

Tumango siya. "Kaya nga huwag na. Ako na ang bahala sa kape ni sir. Dumiretso ka na lang sa pagpasok sa umaga."

Napapikit ako nang mariin. Marahang hinimas ni manang ang buhok ko. Pilit na lamang akong tumango sa kaniya dahil wala naman na akong magagawa.

"Pasensya na talaga, manang. Hindi ko sinasadya."

"Sige na. Maglinis ka ng sarili."

Huminga ako nang malalim at tumungo sa kuwarto namin upang ayusin ang sarili ko. Naligo ako nang nahihirapan dahil hindi ko alam paano igagalaw ang kanan kong braso. Mayroon iyong malaking pasa at hindi ko alam kung may iba pa bang nangyari sa buto ko.

Marahan ko iyong inalalayan sa pagpapalit ng damit. Hindi ko naiwasang indahin ang sakit no'n. Halata ang kulay ng pasa at hindi iyon magandang tignan. Paano ko naman kaya gagamutin ito?

Nang matapos ay lumabas ako patungong banyo upang doon kunin ang bandaid. Madilim na kaya naman wala nang tao sa backyard na makakakita pa sa akin. Si Maui ay naghuhugas pa ng mga pinggan.

Huminga ako nang malalim at umupo sa bench. Tinignan ko ang daliri kong nahiwa at mukhang hindi naman iyon ganoon kalalim. Kinagat ko upang mabuksan ang lalagyan no'n para mailagay na sa daliri ko.

"Hindi gagana ang bandaid lang."

Napa-angat agad ako ng tingin sa nagsalita. Nakita ko si Sir Caleb na lumabas galing sa pasilyo mula sa living area. Puti ang kaniyang T-shirt at itim ang sweatpants. Wala na ang salamin niyang laging suot.

Umupo siya sa tabi ko at inagaw ang bandaid. Siya mismo ang tumapos sa pagbubukas no'n bago hinila ang kamay ko patungo sa kaniya. Tinignan niya nang malapitan ang hiwa sa daliri ko bago ako binalingan. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa lapit niya sa akin.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon