Kabanata 23

8.5K 202 95
                                    

23 – Forward

Nanay used to tell me that poor people doesn't have a choice but to work and work harder each day. Hindi gaya ng iba na mayroon pa ring makakain kapag hindi nagtrabaho at nanatili sa bahay, iba kami. Kahit pagod o may sakit, ang taong mga na sa laylayan ay walang magagawa kung hindi kumayod dahil sa hirap ng buhay ngayon.

I understand them. I am one of them. Nasasaktan man, napapagod, nagkakasakit, o nahihirapan, ang mga gaya namin ay walang ibang pagpipilian. Minsan, ang tingin ng ibang tao sa amin ay oportunista. Pero ang totoo, gusto lang naming kumayod para patuloy na mabuhay at may maiuwi sa pamilya.

Kung sana ay naiintindihan ng ibang nakatataas na hindi lahat ng mahirap ay mukhang pera.. Kung sana ay alam nilang estado lang nila sa buhay ang iba nila sa amin.. Kung sana ay alam nilang doble o triple ang kayod namin kada-araw makapagpatuloy lang sa buhay, hindi nila kami mamaliitin. Hindi nila kami huhusgahan.

"Maraming salamat po sa pagpayag na tulungan ako rito sa taniman.. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob."

Pilit akong ngumiti sa halos sampung kalalakihang narito sa harap ko. Umaga pa lamang ay dinala ko na sila rito sa taniman. Malamig ang simoy ng hangin kaya naman hindi ko maiwasang may maalala. Winala ko iyon sa isip ko at muling nagsalita.

"Kaibigan po kayong lahat ni tatay, at malamang ay natutuwa siyang narito kayo.." nakangiti kong ani. "Sa ngayon po, sisimulan na nating ayusin ang lupaing ito. Gaya po ng plano, tataniman natin ito ng mga niyog, saging, mangga, at iba pang maaaring maging supply sa mga palengke rito sa Ilocos."

All of them were listening to me. Kabigla-bigla iyon dahil mas matanda sila sa akin at mga kaibigan pa ni tatay. Ang iba ay mayroong hawak na kalaykay, ang iba naman ay pala. Ang paligid ng taniman ay nangingitim dahil sa sunog na nangyari.

"Umutang lang po ako para sa puhunan ng tanimang ito, pambili ng mga gamit at pananim. Nakakahiya man pong sabihin, pero baka matapos pa ng anim na buwan ko kayo masimulang mapa-suweldo.. Wala pa po kasi akong maibibigay sa inyo ngayon."

Ang kapit-bahay namin na laging ka-inuman ni tatay noon ay ngumiti at tumango sa akin. Alam kong may mga trabaho sila, karamihan ay sa construction site at sa pabrika. Kaya naman nagpapasalamat akong nang hingin ko ang tulong nila ay pumayag sila.

"Pero, nangangako po akong magiging doble o triple ang balik nito sa inyo. Mababawi niyo ang walang sweldo sa loob ng anim na buwan, mas malaki pa ro'n."

Inilabas ko ang papel mula sa bulsa ko kung saan ko isinulat ang lahat ng plano ko rito sa taniman. The strategies I searched for are here. Wala naman akong alam sa pagpapatakbo ng taniman, at lalo na sa pagsisimula. Pero, alam kong kakayanin ko para kay tatay. Hindi ko hahayaang malugi ito. Muli akong humarap sa kanila.

"Pinag-aralan ko na po ang marketing at kung paano ang magiging proseso ng taniman hanggang sa pag-susupply sa mga palengke.." imporma ko. "Kung papalarin ay puwedeng maging supplier tayo ng raw products na ginagamit sa iba't ibang produktong ibinebenta rin sa merkado."

Ang dalawang lalaki ay nagtinginan nang nakangiti. That's actually a great opportunity for us if ever we reach that goal. Si kuya ay nakikinig lang sa sinasabi ko. He looked proud of me. Naalala ko tuloy si tatay.. I hope he's proud too.

"Talaga pong matutuwa si tatay na narito kayo.. Pangako ko pong ibabalik ko sa inyo ang lahat. Magtatagumpay ang tanimang ito." Pangako ko.

They clapped their hands and greeted each other before started working. Kahit dalawang araw na lang ang ilalagi ko rito sa Ilocos ay tumulong pa rin ako. Ang inutang kong pera sa mga Aguilar ay ipinambili ng mga gamit dito at ibang pananim. Ang pangako kong mababayaran ko sila sa loob ng walong na buwan ay tinanggap nila.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon