Kabanata 25

10.5K 230 77
                                    

25 – Reminisce

Nanatili kami ng mga kasama ko sa hilera ng mga puno ng Mangga nang umalis sina Noelle. Hindi rin naman kami gaanong nagtagal at naglibot pa sa taniman. Imbis na mag-alala at baka maligaw pa sina Caleb ay hindi ko na iyon inintindi. Marami namang trabahante sa paligid na puwedeng pagtanungan.

I sighed and fixed my hat. Hindi ko akalain na mag-eenjoy ang mga kasama ko rito. Hindi ko rin naman kasi alam na ganito na kalawak at kaganda ang taniman. Sariwa at malamig ang hangin, papalubog na nga lang ang araw kaya kailangan na rin naming umalis maya-maya.

"Uhm.. Para saan ang gusaling iyon, Miss Malia?" Tanong ni Girly.

"Diyan nililinis ang mga naaani. Mayroong mga makina sa loob."

"Wow, ganoon pala.." tumango siya. "Ilan ang sukat ng taniman, miss?"

Ginamit ko ang stick na hawak ko para alisin ang nakaharang na iilang sanga. Kanina kasi ay natusok na ang paa ko. Nilingon ko siya saka sumagot.

"Limang hektarya pa lang. Balak pa naming bilhin ang sumunod na isang hektarya sa tabi."

Tumawa si Mark. "Tama na, miss. Baka naman buong Ilocos na ang bilhin mo?"

"Oo nga naman. Sobrang yaman mo na yata, miss. Balato naman diyan." Pang-aasar ni Fritz.

Nagsitawanan ang iba at sumang-ayon. Ngumuso ako at sinamaan sila ng tingin kahit na natatawa. Na sa kanila na nga ang company card ko, e. Gawin na nila ang gusto nila ro'n.

"Nga pala, ipinamana ba sa inyo itong taniman? Ipinanganak ka bang mayaman, Miss Malia?"

"Hindi ako ipinanganak na mayaman.." tanggi ko. "Ibinigay lang itong taniman na ito sa tatay ko. Tapos noong namatay siya ay sinimulan naming patakbuhin ng kuya ko."

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Papalubog na ang araw kaya naman ang ibang nagtatrabaho rito ay nagliligpit na ng gamit at dinadala na ro'n sa maliit na gusali. Ngumiti ako sa mga taong iyon bago sila umalis.

"Naalala ko pa ang kuwento mo noon na baon kayo sa utang noong sinisimulan niyo ito, miss. Lampas yata sa sampung milyon ang utang ninyo?"

Ngumiti ako at tumango nang maalala iyon. "Oo. Nagkaproblema kasi rito sa lupa noon kaya kinailangan naming bayaran. Pati iyong mga pambili ng pananim at kagamitan, utang din."

"From scratch pala talaga, 'no? Pero, tignan mo naman ngayon!"

I chuckled. Totoo naman na kung titignan ang taniman, hindi mo na maiisip ang hirap na dinanas ng mga taong na sa likod nito. Ni hindi halatang nasunog at bago na ulit.

"Hindi ba't nag-aaral ka noon sa Maynila, miss? Paano?" Tanong ni Walter habang nagpapatuloy sa paglalakad.

"Nanatili ako rito ng dalawang araw para ayusin ang trabaho. Tapos no'n ay bumalik ako para tapusin ang internship ko. Naiwan ang kuya ko at tumatawag lang ako para ipaalam ang gagawin nila ng mga katulong namin sa pagpapalago.." wika ko. "I did all the strategies while my brother did the work. Ako ang utak, siya ang katawan."

Iilang bulong ang ang narinig ko, lalo na sa mga babae. Gusto yatang makilala ang kuya ko at iniisip nilang guwapo dahil ayon sa kanila ay magandang babae ako. Mahina akong natawa at napa-iling. Sayang, mayroon ng nobya ang kuya ko ngayon.

"Matapos ang pag-aaral, bakit hindi ka na bumalik dito? Lalo pa't lumago naman ang taniman. Siguradong mas malaki ang kita rito kaysa sa Maynila."

Hindi ko na inalam pa kung sinong nagtanong. Nawala ang ngiti ko at hindi agad nakasagot. Bumagal ang lakad ko kasabay ng kaonting kirot sa puso ko.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Where stories live. Discover now