Kabanata 19

7.4K 186 69
                                    

19 – Time

Lumipas ang sumunod pang buwan at nagpatuloy ang internship ko. Si Maui ay intern na rin sa isang ospital dito sa Maynila. Lalong humirap para sa akin ang lalo kong paglapit na makamit ang diploma ko dahil sa mas dumami ang trabaho ko sa bahay. Nasanay na rin akong mapag-initan araw-araw kahit na wala naman akong ginagawang mali. Hinahayaan ko na lamang dahil kaonting tiis na lang at aalis na ako.

Caleb doesn't know that his mother loathes me like this. Hindi na rin ako nag-abala pang sabihin sa kaniya dahil baka mag-away sila. I don't want to distract him in any way. Ginagawa niya ang makakaya para pumasa sa bar exam, at ganoon din ako sa graduating year ko. Hindi naman na siguro importante ang pag-usapan pa namin ang mama niya.

Manang Linda is always on my side whenever Ma'am Camila acts like a brat in front of me. Kahit si manang ay nagagalit na. Pero, wala akong ibang ginawa kung hindi sabihing ayos lang. Hindi ko kasi kakayanin ang gastos dito sa Maynila para sa pagkain at dorm ngayong umalis na si kuya ay wala na siyang suporta sa akin. Magtitiis na lang ako rito.

"Good morning, tay.." bati ko. "Napatawag kayo ulit?"

"Papasok ka na ba? Naistorbo yata kita."

"Hindi naman po, tay. Pasakay pa lang ng jeep. Papunta na po ako sa building."

Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng pisngi at balikat ko upang huwag malaglag. Hinanap ko ang wallet ko sa loob ng bag upang maghanda na ng pamasahe. Maliwanag na at marami nang naghihintay ng masasakyan. Maingay pa ang paligid dahil sa tunog ng mga sasakyan.

"Na sa taniman kami ngayon ng kuya mo. Naggagapas ng talahib."

Kumunot ang noo ko. "Ang aga naman, tay? Nag-almusal na ba kayo?"

"Oo. Mas mabuting ngayon na at magiging mainit mamaya. At pagkakataon ko na rin ito para kausapin ang kuya mo. Matagal ko ring hindi nakasama ito."

Nang tumigil ang may bakanteng jeep ay nagmamadali akong sumakay. I slanted my legs so other passengers won't see underneath my skirt. Inayos ko rin ang kuwelyo ng asul kong button down shirt pati na ang I.D. Muli kong binalikan si tatay sa tawag.

"Libangin ninyo, tay, ah? Patawanin niyo para mabawasan kahit papaano ang lungkot."

"Oo, gagawin ko 'yan."

Lalong naging maingay ang paligid nang umandar ang jeep. Hinawakan ko ang buhok kong naka-ponytail upang huwag liparin sa iba at makasagabal. Mabuti ay hindi ako naglugay. Ibinababa ko lang naman ang buhok ko kapag si Caleb ang kasama ko.

"Kumusta nga po pala iyong sinasabi niyong problema sa papel? Iyong sa taniman?" tanong ko.

"Ayun. Problema ko pa rin.." bumuntong-hininga siya. "May kasosyo pala kasi ang ama-amahan ko sa lupa ngunit siya lang ang nagpalago ng lahat. Ngayon ay sumulpot ang kasosyo niya."

"Ano raw ang gagawin ng abogado, tay?"

"Mag-uusap pa kami tungkol sa papel. Hindi ko nga alam kung makakaintindi ba ako ro'n, anak. Alam mo namang elementarya lamang ang tinapos ko at propesyunal ang mga naroon."

Agad kong hindi nagustuhan ang sinabi niya. Ano naman kung elementarya lang? Siguro naman ay ipaliliwanag sa kaniya ng abogado ang mga nangyayari ro'n. At isa pa, lahat sila ay tao. Walang mababa, walang mataas. Pantay ang lahat.

"Huwag bababa ang tingin niyo sa sarili dahil lang sa mas mataas sila, tay. Propesyon lang ang kaibahan ninyo sa kanila." Pangaral ko.

Bumuga ako ng malalim na hininga at sumilip sa bintana ng jeep. Mabuti na lang at maaga akong umalis. Hindi ako naabutan ng traffic.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon