Kabanata 20

8.9K 160 85
                                    

20 – Offer

Naiwan akong parang nabingi sa labas. Patuloy ang patak ng mga luha ko. Ni hindi ko malaman ang gagawin at hindi ako makagalaw. Natulala akong pinanonood ang mga nurse na tahimik na nag-uusap sa loob habang naroon si tatay. Kuya was even crying on his bed. Kahit ipilit ko sa utak kong intindihin ang nangyayari, hindi ko magawa.

What does he mean by that? Bakit sila tumigil? Bakit flat line ang nakita ko sa monitor? Time of death? Bakit parang wala namang pumapasok sa isip ko? Anong nangyari?

"Sagutin mo ako, Malia! Anong nangyari habang wala ako?!"

"Nay.." boses iyon ni kuya.

Nanatili akong nakaupo sa loob ng kuwarto. Nanay came after that happened. Ni hindi ako makapagsalita para ipaliwanag ang nangyari. Natulala ako habang tumutulo pa rin ang mga luha ko.

"Nawala lang ako sandali, nagkaganito na? Sandali lang ako umalis, Malia! Sandali ko lang sila iniwan sa'yo!"

Bumalot ang malakas na boses ni nanay sa kuwarto. Ang katabing kama ni kuya kanina ay wala na ngayon. Napako ang tingin ko sa gawing iyong habang si nanay ay galit na galit na sinisigawan ako.

"Hindi ka sasagot?! May pinakialaman ka ba? May ginalaw ka sa makina? Lumapit ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong. "Ano, Malia?!"

"Nay, wala siyang kasalanan sa nangyari.." awat ni kuya.

Puno ng luha ang mga matang tumingin ako sa kaniya. I shook my head and started crying more. Si nanay ay lumuluha na rin gaya ko. She looked broken and frustrated. She's mad at me.

"P-pasensiya na po, nay.. Hindi ko nabantayan nang maayos si tatay."

Tinalikuran niya ako at umupo sa kama ni kuya saka humagulgol. Sa sinabi kong iyon ay saka lamang tuluyang pumasok sa isip ko ang nangyari. Wala na si tatay. Namatay siya kanina habang binabantayan ko. Wala akong nagawa para isalba siya.

I couldn't see nanay like that so I went out of the room silently. Naging tahimik ang hallway ng ospital. Halos pilitin ko na lamang ang sarili kong maglakad upang lumayo sa galit ni nanay sa akin. Natigilan lamang ako nang mayroong makitang lumiko sa pasilyo.

"Caleb.."

I saw him exhaled deeply when he saw me. Mabilis siyang naglakad patungo sa akin at binalot ako ng yakap. Pinilit ko ang sarili kong huwag umiyak ngunit natatalo ako. Bakit narito siya? Hindi ba't sinabi kong huwag na akong pupuntahan?

"I'm here. Just cry.. I'm here."

I gave up and released it. Humigpit ang kapit ko sa likurang bahagi ng T-shirt niyang suot. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko.

"W-wala na ang tatay ko, Caleb!"

Humagulgol ako ngunit hindi iyon gaanong rinig dahil sa yakap niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, tila dinadamayan ako sa hinaharap kong sakit.

"Ang sabi niya pa noon ay bumalik na ako.. Bumalik na ako ngayon ngunit siya naman ang umalis!"

"I'm sorry.." mahina niyang sabi.

Naramdaman ko ang pagkuha niya ng isang bagay sa bulsa. Nang iabot sa akin ay isa iyong panyo. Binitiwan niya ang sa yakap at inayang umupo muna saglit.

"Ano nang gagawin ko?" Umiiyak akong tanong. "S-sandali lang silang naiwan sa akin at ganito pa ang nangyari.. Galit na galit sa akin si nanay ngayon.."

"She's mad at the situation, not to you. Liliwanag din ang isip niya. Just give her some time."

I sat down and wiped my tears away. Kinuha niya ang panyo mula sa kamay ko at siya mismo ang nagpunas ng mga luha ko. I feel hurt and tired. Pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko. Muli akong hinila ni Caleb sa kaniya at pinasandal sa balikat niya.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon