Kabanata 10

10K 243 58
                                    

10 – Deja Vu

Nagpatuloy ang mga araw na tambak ang ginagawa namin ni Maui. Nabawasan kahit papaano ang ginagawa namin sa bahay dahil naintindihan ni Manang Linda ang sitwasyon namin. Kahit ikalawang taon pa lang ay unti-unti nang humihirap ang lahat. Mayroong mga professor na napakahigpit kahit minor lang ang subject. Wala naman kaming magagawa dahil kung hindi kami susunod, babagsak kami sa kaniya.

Gaya rin ng sinabi noon ni Sir Caleb ay umuuwi nga siya tuwing Sabado at bumabalik sa condo ng Linggo ng gabi. Pero, kahit ganoon ay hindi rin naman kami madalas magkita. Bukod sa palagi siyang na sa kuwarto ay iniiwasan ko ang pumunta ro'n, lalo na kung wala namang kinalaman sa kape. Tuwing umaga ng Sabado at Linggo lamang ako pumupunta.

"Good morning.."

Pilit akong ngumiti at tahimik na ipinatong ang kape sa desk niya. Binalingan ko siya at nakita ang inaantok niya pang mga mata. Ang dami ring nakalagay na makakapal na papel sa lamesa niya. Ang dami niyang inaaral.

"Good morning.." bati ko pabalik. "Mauuna na ako."

"Nagmamadali ka?"

Umangat ang kilay niya sa akin. Nakasandal pa rin siya sa headboard ng kama habang magulo ang buhok. Ang comforter niya ay tumatabon lamang hanggang dibdib. Ang tanging suot niyang pang-itaas ay ang kuwintas niya.

"Oo. Marami pa kasi akong gagawin."

Tumango siya. "Kita tayo sa baba."

Nag-init ang pisngi ko sa simpleng sinabi niya. Sa dami niyang inaaral, makakapagkita pa ba kami? Halos hindi na nga siya lumabas ng kuwarto. Sa tuwing na sa hardin ako ay na sa terrace siya at tumitingin lang.

"Okay.." sagot ko.

Tumalikod ako at naglakad na palayo. Nang maisara ko ang pinto ng kuwarto niya ay huminga ako nang malalim. Nagwawala na naman kasi ang puso ko. Parang hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay sa ganito.

Tahimik akong bumaba at bumalik sa kuwarto upang walang makakita. Nang buksan ko ang pinto ay agad akong tinignan ni Maui na kagigising pa lamang.

"Nakapagdala ka, sis?"

Tumango ako. "Oo. Binilisan ko lang dahil baka makita na naman ako ni Ma'am Camila."

Bumuntong-hininga siya. "Bakit ba nagagalit ang isang iyon?"

Tuluyan siyang bumangon at nagkusot ng mata. Sabado ngayon kaya naman babawi kami sa mga gawaing bahay na hindi namin nagawa ng weekdays. Nakakahiya naman kina Ate Vina kung wala rin kaming gagawin ngayon.

Nagkibit-balikat na lamang ako kay Maui. Hindi ko rin alam. Siguro ay protective lang siya para sa mga anak. At siyempre, gusto niya siguro ay isang babaeng mayaman at may pinag-aralan ang makalalapit sa mga anak niyang lalaki. At hindi pa naman ako ganoon.

"Ewan ko. Ang sabi ni manang ay basta raw huwag makikipaglapit sa mga anak ni ma'am."

Pagak siyang natawa. "Ginto ba ang mga anak niya?"

Natatawa akong humarap sa salamin at itinali ang mahaba kong buhok. Dumapo ang tingin ko sa dalawang sticky note na hindi na nadagdagan pa. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing nakikita ko iyon.

Nagsimula ang trabaho namin ni Maui sa bahay. Siya ang umasikaso ng mga pinggan habang ako naman ay naglinis at nagpunas. Nagdilig din ako ng mga halaman sa hapon. Noong nakaraan lamang ay naglinis din kami ng kotse ni kuya. Baka sa veranda pa ako maglinis mamaya para wala na akong halos gagawin bukas.

"Leiana?"

Napatigil ako sa pagmo-mop ng sahig nang tawagin niya ang pangalan ko. Pinunasan ko ang noo ko bago bumaling sa kaniya. Nakasilip na siya ngayon mula sa pintuan ng kuwarto niya.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang