Kabanata 35

9.3K 182 133
                                    

35 – Understand

Hindi ko na naisipan pang umuwi nang gabing iyon. All I wanted to do was stay with him. Ni hindi nga ako nagpaalam sa amin kung saan ako pupunta. Wala ring nakakita na umalis ako. I wonder if they'll get worried of me. Hahanapin kaya ako ng mga iyon kapag nalaman nilang wala ako sa bahay?

I fell asleep after watching the night sky on the roof. Ang tanging naaalala ko nang maalimpungatan ako ay ang pagyakap ni Caleb sa akin. Hindi ko alam kung anong oras na iyon, ngunit alam kong nakatulog na rin siya kasabay ko.

I opened my eyes when I felt warmth touching my skin. Nanliit ang mga mata ko nang makitang umuusbong na ang araw. Bahagya akong bumangon at inialis ang braso ni Caleb sa baywang ko.

"Caleb.."

Kinusot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang papasikat na araw. I smiled and glanced at him. Payapa ang mukha niya habang natutulog. Tinapik ko ang braso niya upang gisingin na.

"The sun's rising.." ani ko.

He slightly moved and opened his eyes. Agad niyang tinakpan ang mga mata niya nang masilaw sa araw. I caressed his arm and removed the blanket covering us.

"Bangon na. May tinapay ka namang dala, 'di ba?"

He softly sighed and nodded. Bumaling siya sa akin habang siya ay nakahiga at ako ay nakaupo na. He raised his hand to reach for my cheek and caressed it with his thumb. His eyes were chinky in the morning. Medyo magulo pa ang buhok. Isang maliit na ngiti ang namuo sa labi niya.

"Ang ganda mo ngayong umaga."

I blushed. "Sa umaga lang ba ako maganda?"

"Lagi kang maganda."

I giggled and rolled my eyes. Sa pagbangon niya ay sinalubong niya agad ang labi ko. It was a soft and simple kiss but it made my heart grew wild.

"Good morning.." he greeted.

Ngumiti ako at bumati rin. Siya mismo ang bumaba at pumasok sa van para kunin ang kape at tinapay na dala niya kahapon. He was coughing repeatedly when he came back. Kumunot ang noo ko kasabay ng pag-abot niya ng supot ng tinapay sa akin.

"Inuubo ka?" pansin ko. "Masyado ka yatang nagbabad kagabi. Iniwanan mo ako sa dalampasigan lang."

Mahina siyang tumawa. "We'll go back here after your cast gets removed. Huwag ka nang mainggit."

Nagkibit-balikat lamang ako at nagsimulang kumain. Sinilip ko ang cellphone ko para malaman ang oras. Malamang ay gising na sina nanay ngayon. Alam kaya nilang wala ako sa kuwarto?

"Kailangan ko na ring umuwi. Hindi naman ako nagpaalam kina nanay kagabi."

He nodded. "Let's finish this first. Ihahatid kita sa inyo."

"Magpapakita ka sa kanila?"

"Bakit hindi?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. I gulped hard and tried to find the right words to say. I want to explain it to him without offending him. Ang iisipin kasi niya ay sinasarili ko na naman ang problema.

"Huwag na muna ngayon, Caleb. Saka na kapag maayos na talaga kami." hiling ko.

Umiwas siya ng tingin at bumuntong-hininga. Kunot ang noo niya at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko ngunit wala siyang sinabing kahit na ano.

"Alam mo naman ang sitwasyon. Hindi pa okay 'to kay nanay dahil kay Noelle. Matatanggap niya rin tayo, hindi lang ngayon."

"Are we keeping this a secret?" he bitterly asked.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon