Kabanata 15

8.6K 204 110
                                    

15 - Us

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niyang iyon. He doesn't want to be friends. He doesn't want it with me.

Patuloy sa pagwawala ang dibdib ko habang ang braso niya ay nakapulupot pa rin sa baywang ko. The winds were cold, so was the water. Natutok ang mga mata ko sa repleksiyon ng buwan sa dagat. Hangga't malapit siya at hawak ang kamay ko, hindi kakalma ang sistema ko.

"Hindi ka ba natatakot sa sasabihin ng mga taga-Maynila?"

Naging mahina ang tanong ko. Wala naman siyang kahit anong sinabi tungkol sa ginagawa namin ngunit pakiramdam ko'y alam ko na. Ayaw niyang maging magkaibigan lamang. Unti-unti ko nang nalalaman ang dahilan ngunit kailangan kong marinig iyon mula sa kaniya. Kailangan niyang bigyang klaro ang lahat.

"No.." I felt him shook his head. "Are you scared?"

"Oo.."

"Well, you shouldn't be. We shouldn't be scared of them."

Kung tutuusin nga, parang hindi na rin ako takot. Kasi kung pinapahalagahan ko pa ang takot ko ay wala ako rito ngayon. Ang gusto ko ay sa kaniya mismo manggaling ang gusto niya.

"S-sandali lang.."

Huminga ako nang malalim at binawi ang kamay ko bago humarap sa kaniya. The water was still reaching my hips. Nanginig ang labi ko at itinulak ang braso niya palayo.

"What's wrong?" He asked.

"Ano ba 'to?"

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihing ano ito?"

"Ito.." itinuro ko kaming pareho. "Itong ginagawa natin. Itong pinag-uusapan natin. Ano ito? Para saan?"

He continued staring at me but he didn't answer. Tumutulo ang tubig mula sa kaniyang buhok pababa sa kaniyang balingusan. Para siyang naguguluhan sa tanong ko.

"Gabi-gabi tayong magkasama. Nagsisinungaling ka sa mga taga-Maynila para puntahan ako, at tumatakas ako sa mga magulang ko para sumama sa'yo. Pero, para saan itong lahat?"

I know what this is. I know where this is going and I really don't need to ask. Pero, gusto kong sa kaniya mismo manggaling. I don't want to assume. Paano kung magkaiba pala kami ng iniisip?

He tilted his head and breathed deeply. I raised my brows in hopes that he would answer. Sa sumunod na mga segundo ay tanging hampas lamang ng alon ang narinig ko. I am shivering now.

"Are you seriously asking me that? After everything we've been doing?"

"Ang dami nga nating ginawa. Pero, wala kang sinabing kahit na ano." Seryoso kong sabi.

His lips parted. Kumunot ang noo ko sa tagal niyang sagutin ang gusto kong marinig. Sasabihin niya lang na gusto niya ako o hindi. Iyon lang. Anong mahirap?

"You had an ex, right?" He asked. "That means you have even the slightest idea of what we're doing."

Pagak akong natawa at bahagyang umatras. Talagang hindi niya sasabihin? Walang kahit anong kumpirmasyon?

He stepped towards me and tried to reach my hand but I declined. He was staring intently at me, trying to make me understand by just looking into my eyes but I won't.

"What is this for you?" He asked. "What do you want this to be, Leiana?"

Hindi na ako nakapagtimpi pa. Sinubukan niya ulit hawakan ang kamay ko ngunit itinulak ko iyon. Hangga't hindi ko naririnig, hindi ako maniniwala.

"Gusto mo ako?"

Kumunot ang noo niya. "Ngayon mo lang nalaman?"

Para akong nabingi sa sagot niya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kahit na lumalakas na ang mga alon. Napalunok ako at nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi at pagwawala ng sistema.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon