Kabanata 31

11K 182 53
                                    

31 – Fight

"Caleb.."

Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko nang makaramdam ng kaginhawaan matapos ang mahabang pagtulog. Nilalamig pa rin ako ngunit hindi na gaya noong bago ako magpahinga. It's maybe because I'm wearing a sweater now.

"Hey.."

Mula sa pagkakaupo sa sofa ay agad niya akong nilapitan. He sat down on the side of the bed and touched my forehead. Nanatili akong nakahiga at ngumiti. My heart started beating wild.

"Feeling better now?"

I nodded at him and tried to sit down. Hinawakan niya ang braso at likod ko upang tulungan akong umupo sa kama. Parang kiniliti ang sikmura ko nang magtama ang balat naming dalawa.

"Thank you." I said.

Ngumiti lang siya at tumayo para tumungo sa mini-kitchen. He started preparing something I don't know. Sumandal ako sa headboard ng kama at pinagmasdan lamang siya mula ro'n.

Caleb is tall. The complexion of his skin is in the middle of being pale and tan. He looks intimidating because of his aura but his eyes looked the opposite. Maamo kasi ang mga iyon, siguro ay dahil na rin sa hugis.

I secretly smiled and looked down. Nawala ang ngiti ko nang maalalang hindi sweater ang suot ko bago matulog. Lumagabog ang puso ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. He was already looking at me and trying to figure out what I was thinking. Natatawa siyang umiling. Siya ba ang nagpalit sa akin? Si Tyler?

"I didn't.." he said. "I asked your female co-workers."

Napabuga ako ng hininga. "I thought you asked Tyler."

Kumunot ang noo niya sa akin, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. Hinalo niya ang niluluto habang pinanliliitan ako ng mata.

"Why would I ask him?"

"Because you know he's my fiancé?" Hindi ko siguradong sagot.

"I spot lies easily."

Natawa ako at umirap. So he knows? Alam kong abogado siya pero hindi ba makatotohanan ang acting namin?

Lumapit siya sa akin, dala ang isang mangkok ng niluto niya nang matapos. Nang maamoy ko iyon ay agad na kumalam ang sikmura ko. He placed the folding table on my bed to help me eat.

"Eat some. Makakabuti sa'yo kahit kaonti lang."

I nodded and thanked him. Tumabi siya sa akin at pinanood akong kumain. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil nakatingin siya. He was even looking at my lips. Nang samaan ko siya ng tingin ay umiwas siya at tumawa bago muling bumaling sa akin.

"Saan galing ang singsing mo?"

Umangat ang kilay ko. "Hindi ka naniwalang galing kay Tyler?"

"I believed it when you told us. But I hesitated when I saw you with him. He looked shock when you introduced him."

Sumubo muli ako ng soup habang tumatango. Lalo niya akong tinabihan at niyakap ang baywang ko. I giggled when he started tickling me lightly. Tinabig ko pa siya ngunit hinalikan niya lang ang pisngi ko.

"Why did you lie, huh?" He teasingly asked. "Why did you tell us you're getting married?"

Ngumuso ako. "Ayaw kong isipin mong napag-iwanan ako. Ikakasal ka na, tapos ako ay wala ni boyfriend."

Nilingon ko siya para harapin. Our faces were just inches away. Nagwawala pa rin ang puso ko, lalo na nang hawakan niya ang buhok ko at iipit sa likod ng tainga ko. I raised my hand to show him my finger.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant