Kabanata 2

11K 248 124
                                    

02 – Leave

Nagpatuloy ang mga araw na pareho lang naman ang mga nangyayari. Pumapasok ako ng eskuwelahan at palihim na nakikipagkita kay Benj na hindi nalalaman nina nanay. Nang natapos ang academic year ay itinuloy namin ni Maui ang plano naming magtinda ng merienda at palamig. Tama nga ako at mas tumubo iyon at nagkaroon kami ng dagdag na ipon.

Nang tumungtong kami ng ika-labindalawang baitang ay lalong naging marami ang gagawin sa eskuwelahan. Siyempre, hindi nawala ang kagustuhan kong magpatuloy at mag-aral. Ang naipon ko ay itinabi ko lang para gamiting panggastos sa pagdating namin ng Maynila para sa entrance exam.

Sa isang public university namin napiling mag-aral para kahit walang scholarship ay wala ring problema. Nang maging qualified kami ni Maui para mag-exam ay kinuha na namin ang oportunidad na iyon. Sabay kaming nag-aaral para siguradong pareho rin kaming matuto. Nagtulungan lang kami kahit na parehong pamilya namin ay ayaw na umalis at mag-aral kami.

"Luluwas na ako patungong Maynila bukas, nay. Kasama ko si Maui."

Bumuntong-hininga si nanay habang nanonood ng T.V. Kauuwi ko lang mula sa eskuwelahan at iyon ang bungad ko sa kaniya. Ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin.

"Talagang matigas ang ulo mo, Malia. Hindi ka marunong makinig." Aniya, hindi tumitingin sa akin.

"Pasensya na, nay. Gusto ko lang mag-aral."

Ibinaba ko ang bag ko at pilit na ngumiti. Napa-iling siya at inilipat ang channel, ni ayaw akong tignan. Malamig ang aura niya at huminga nang malalim.

"Wala akong perang maibibigay sa'yo. Sapat lang ang mayroon sa akin para sa panggastos dito sa bahay."

Tumango ako. "Ako na ang bahala, nay."

Tahimik akong pumasok ng kuwarto at inihanda ang mga gamit ko. Si tatay ay hindi ko na naman alam kung saan nagpunta. Malamang ay sa inuman. Sana ay malasing at tanghali nang gumising bukas para hindi ako maabutan at mapigilan. Ngayon lang naman ako luluwas at para naman sa exam ko ito.

Sandali lamang ako natulog. Tama akong lasing si tatay nang umuwi at naging malalim na ang tulog. Bago umalis ng bahay ng madaling araw ay kinain ko muna ang cup noodles na binili ko. Mayroong sapat na damit sa bag ko, ganoon na rin ang mga gamit ko at pera. Hindi rin naman kami magtatagal.

Madilim pa nang umalis ako ng bahay at hindi na inabala pa sina nanay. Dumiretso ako sa bahay ni Maui at inabutan siyang tahimik na lumalabas. Gaya ko ay basa pa ang buhok niya at mayroong jacket na suot. Nang kumaway ako at tumalon-talon pa siya dahil sa kasabikan. Mahina akong tumawa at humawak sa braso niya habang naghihintay ng tricycle patungo sa istasyon ng bus.

Nang makarating ay hindi ko napigilan ang kaba ko. May karamihan ang tao at malalaking bag pa ang dala. Unang beses ko pa lang itong gagawin at dalawa lang kami. Si Maui ay unang beses din naman. Nang tuluyang makapasok sa bus ay kinakabahan akong naghanap ng upuan. Pumuwesto ako sa tabing bintana at ikinandong ang bag ko sa hita ko.

"Kinikilig ako, sis! Makikita ko na naman si Lance my loves!"

Sinamaan ko ng tingin ang kauupo lang na si Maui. Humagikgik siya at ikinandong din ang bag niya. Naglabas siya ng salamin at sinimulang ayusin ang buhok niya.

"Tigilan mo nga ang kuya ko, Maui."

Kumunot ang noo niya. "Ayaw mo akong sister-in-law?"

Umismid ako at binuksan ang bag ko para siguraduhing walang kulang. Ang wallet, mga damit, papel, ballpen, at pencils ay nandito namang lahat.

"Ay, sis! Kawalan mo.." ani Maui nang hindi ko siya pansinin. "Marunong akong magluto, maglaba, magplantsa, magsampay, maglinis ng bahay, magtahi, at kahit ano pa!"

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن