Kabanata 13

7.9K 169 30
                                    

13 – Liar

That night was filled with fun. Ang malakas na kabog ng dibdib ko habang nangyayari ang lahat ay hindi nawala. Naging masaya ako sa panonood sa windmills at mga bituin. Nagustuhan ko rin ang tunog ng mga alon sa kalapit na dagat. Kahit ang malamig na haplos ng hangin sa balat ko ay parang ramdam ko pa rin kahit na nakauwi na ako.

Marami ang bagay na tumatakbo sa isip ko nang gabing iyon. Gaya na lang ng mga pangarap ko, ang pamilya ko, ang mga tao sa Maynila, at si Caleb. Lalong-lalo na siya.

"Malia! Bumangon ka na!"

Napabalikwas ako kinabukasan nang malakas na katukin ni tatay ang pinto. Agad akong bumangon nang pihitin niya ang door knob. Bumabagsak-bagsak pa ang talukap ng mga mata ko sa sobrang antok.

Pumasok si tatay sa kuwarto na bagong ligo at naka-asul na uniporme. Itinukod ko ang kamay ko sa kama saka humikab. Kumunot ang noo niya habang sinusuklay ang buhok niya.

"Anong oras ka ba umuwi kagabi at puyat ka?"

Hindi ko siya tinignan. "Maaga po, tay."

"Maaga pala. Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa bumabangon?"

Hindi na ako sumagot at pilit na idinilat ang mga mata ko bago nag-inat. Alam ko namang magkaiba ang maaga sa umaga, at umaga na akong umuwi. Alas-tres na ako umuwi rito sa bahay dahil gusto ko pa nga sanang abangan ang pagsikat ng araw.

"Tutungo na ako sa trabaho ko. Hintayin mo na lang ang nanay mo rito, bumili iyon ng ulam."

Tuluyan akong tumayo at nilapitan si tatay sa harap ng salamin upang ayusin ang kuwelyo ng polo shirt niya. Humarap siya sa akin para hayaan akong ayusin 'yon. Hinila ko ang tuwalya upang ilagay sa kaniyang likod.

"Mabait ba ang amo ninyo sa inyo?" Tanong ko. "Ganadong-ganado kayong pumasok, ah?"

"Ba'y oo naman! Ang matandang iyon ay kaibigan ng lolo mo. May sakit kaya bukod sa pag-aalaga sa kaniya, ako ang nagbabantay sa lupa niya ngayon."

Tumango ako at inayos ang tuwalya. Matapos iyon at tinapik ko ang likod niya. Nang lumabas siya sa kuwarto dala ang maliit na bag ay sumunod ako at nagpaalam.

"Ingat kayo, tay."

Tumango lamang siya at tuluyan nang umalis. Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang mataas na sikat ng araw. Ang init na. Tulog pa kaya si Caleb ngayon?

Bumalik ako sa kuwarto para tignan ang cellphone ko. Agad namuo ang ngiti sa labi ko nang makitang mayroong mensahe ro'n. Sa isang hindi kilalang numero naka-rehistro ngunit alam ko na kung sino.

Unknown number:

              Last night was fun. Let's do it again.

Nagtipa agad ako ng reply. Mamaya ba agad? Kung mamaya kasi ay baka malaman na nila nanay ang pinaggagagawa ko. Hindi na nga ako nagpapaalam, nagsisinungaling pa akong maaga akong umuuwi kahit na umaga naman na talaga nang dumating ako.

To unknown number:

                 Mamaya ulit?

Huminga ako nang malalim at tumayo para magtimpla ng kape. Ilang beses akong sumilip sa cellphone ko para agad na mabasa ang mensahe niya.

Unknown number:

                  Yeah. I'll see you tonight.

Hindi ko napigilang makaramdam ng pagkasabik sa reply na iyon. Kahit na nag-aalala sa maaari kong ipalusot, sasama pa rin naman ako. Sana lamang ay huwag akong mahalatang hanggang sa Bangui ay nakakarating ako, lalo pa't gabi na.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon