Kabanata 14

7.6K 205 48
                                    

14 – Friends

Hindi nawala ang kaba sa dibdib ko kahit na sinabi ni manang na wala siyang sasabihing kahit na ano. Isa sa dahilan ay alam kong tutol siyang makipagkaibigan ako kay Sir Caleb at sinabihan na niya ako noon. Hindi ako sumunod sa kaniya ngunit hindi siya nagalit. Mabuti na lang dahil kung ano man ang ginawa namin sa Ilocos, walang dapat makaalam no'n kung hindi kami lang.

"Leiana!"

Natigilan ako sa pagmo-mop nang may isang pabulong na boses ang tumawag sa akin. Hinawi ko ang buhok ko at luminga sa second floor. Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin ng kalalabas pa lang ng kuwarto na si Caleb ang mop na hawak ko. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila rin ako patungo sa kuwarto niya.

"Caleb!" Awat ko.

Narinig ko ang mahinang tawa niya nang tuluyan akong mahila papasok ng kuwarto. Nagwawala ang dibdib ko lalo na nang isara niya ang pinto. Ang sumalubong agad sa akin ay ang lamig ng aircon.

"Anong ginagawa mo?! Baka makita nila tayo!" asik ko.

"Walang tao."

"Kahit na. Paano kung mayroon? Malalagot ako."

Bumuntong-hininga lang siya at tinignan ako. Inilibot ko ang mga mata ko sa kuwarto at nakitang marami ang tambak sa lamesa niya. Makakapal na libro at papel ang naroon.

"Ano bang kailangan mo?" Bumaling ako sa kaniya. "Kape?"

"Wala akong kailangan."

"E, bakit mo pa ako hinila rito? Maglilinis pa ako."

Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at nilapitan ako. Umawang ang labi ko nang tanggalin niya ang alikabok na dumikit sa damit ko. Hindi kumalma ang nagwawala kong puso lalo na nang lumapit siya.

"You were cleaning the whole day. Hindi ka pa ba pagod?" He asked.

Dumampi ang hinlalaki niya sa pisngi ko na siyang ikina-estatwa ko. Ang buhok kong magulo at maluwag na ang pagkakatali ay inipit niya rin sa likod ng tainga ko.

"Look at your hair.." he pointed. "May alikabok pa ang pisngi mo."

Ngumuso ako. "Bumabawi nga ako, e. Hindi ba't parang medyo naiilang nga si manang sa akin ngayon?"

He pursed his lips and nodded. Isang buwan na matapos malaman ni manang na naroon nga siya sa amin. Simula noon ay parang medyo naging iwas siya sa akin. Siguro ay nagtatampong hindi ko siya sinunod.

Pilit akong ngumiti kay Caleb nang maging seryoso ang tingin niya para sabihing ayos lang. He deeply sighed and forced a smile too.

"Wala naman tayong ginagawang masama."

Nawala ang ngiti ko. "Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa natin.."

His eyes darted to me. Umiwas lang agad ako ng tingin dahil hindi ko kayang dalhin ang magiging pag-uusap na ito kung sakali. Kung ano nga ba ang ginagawa naming dalawa. Dahil sigurado namang walang magkaibigang babae at lalaki ang magkasama lagi buong gabi.

Itinukod niya ang kamay niya sa shelf ng divider na sinasandalan ko. Na sa gilid ko siya habang nakatingin pa rin sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay naririnig niya na iyon.

"Ano ba ang ganito para sa'yo?"

"Hindi ko alam.." sagot ko. "Ang alam ko lang ay hindi ito pagkakaibigan."

Naging matapang ang boses ko kahit na kinakabahan. Muli siyang humakbang palapit sa akin, at imbis na umatras ay hindi ko ginawa. Nanatili ako kung nasaan ako at hinayaan siyang lumapit.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon