Kabanata 30

11.1K 227 59
                                    

30 – Truth

Nanginginig ang buong katawan ko nang marating ang bahay nina nanay. Hindi agad ako napagbuksan dahil hindi naman ako nagsabing pupunta ako sa ganitong oras. The new guard doesn't know me. Kinailangan pang ipatawag si Mia para makapasok ako.

Dali-dali akong tumungo sa banyo ng kuwarto ko, hindi para maligo kung hindi para magpatuyo lamang. Wala na yata akong lakas para linisin ang sarili ko. I just changed my clothes and went to bed straight.

Hindi tumigil ang luha ko nang tuluyan kong tabunan ang sarili ko ng kumot. Akala ko ay kung pupunta ako sa bahay na ito, mas gagaan ang loob ko. I was wrong. Lalo ko lang naiisip ang mga bagay na ginawa ko noon habang nakikita ang bawat sulok ng kuwartong ito. This was my dream but it is becoming a nightmare to me now.

Nanghihina at nangangatog pa rin ako nang bumangon. Tinuyo ko ang pisngi ko at dinala ang unan para sana tumabi muna kay nanay ngayong gabi. Ni hindi ko nga alam kung gising pa siya ngayon at kung papayagan niya akong humiga sa kama niya.

"Nay?"

I knocked on the door thrice. Huminga ako nang malalim at hinintay na buksan niya ang pinto. She was in her night gown already. Halata ang gulat sa mukha niya nang makita ako. She looked sleepy. Naistorbo ko pa yata.

"Malia? Umuwi ka?"

Tumango ako. "Opo.."

Bumaba ang tingin niya sa hawak kong unan. Pilit akong ngumiti at nakaramdam ng hiya sa kaniya. Hindi ko rin naman kasi masasabing close kami ni nanay.

"Puwede ba akong tumabi rito? Ngayong gabi lang, nay."

Umawang ang labi niya at nanatili ang tingin sa akin. Mukha siyang nagdalawang-isip na lalo kong ikinahiya. Matapos iyon ay tumango siya at niluwangan ang bukas ng pinto.

"Sige.. Puwede naman."

I smiled and entered her room. Ang kuwarto niya ang pinakamalaki sa lahat. I sat on her king sized bed and admired the wall full of pictures. Karamihan doon ay mga litrato nila ni tatay. Mayroon pang picture namin ni kuya noong mga bata pa kami.

"May problema ba?"

Bumaling ako kay nanay na naghahanda na sa paghiga. "W-wala naman, nay.. Medyo pagod lang sa trabaho."

I sniffed and lay down the bed. Ang sarili kong unan ang ginamit ko at hindi na ako sumakop pa ng malaking espasyo. Doon ako nanatili sa gilid ng kama. Halos kalahating dipa ang pagitan namin ni nanay.

"Bumalik ka na ng Maynila." Aniya.

"Opo, babalik na rin ako.. Malapit na.."

Hindi ko alam kung bakit pa rin ako naluluha. Tinalikuran ko si nanay para itago iyon at pilit na ipinikit ang mga mata ko. Sigurado ngang babalik na ako ng Maynila dahil ayoko na. Mr. Armendarez might be disappointed at me but I just can't do it.

"Matutulog na po ako.." mahina kong sabi. "Goodnight, nay."

That night didn't go well. Sa tuwing magigising ako ay nangangatog ako sa lamig. Parang pinukpok ang ulo ko sa sakit. Ni hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko at nanghihina ang katawan ko. This might be because of the rain.

I woke up multiple times because of the cold and Caleb would always be on my mind. Patuloy kong naiisip ang mga napag-usapan namin sa gitna ng ulan, doon sa lugar namin. I don't want to think about it but it's bugging me. Ang sinabi niyang hindi niya pakakasalan si Noelle kung ayaw ko ang tumatak sa akin. So I was right that the wedding was arranged. Pero, bakit siya pumayag?

Nang muling maalimpungatan ay bahagya kong idinilat ang mga mata ko. I was still shaking and my head hurts. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lamang ako ng isip ko ngunit nakita ko si nanay na nakaupo sa sahig. There was a box on the floor and it has some pictures. Ang iba ay parang tela na hindi ko mawari kung anong klase. Nakatalikod siya kaya naman hindi ko makita ang mukha niya. What is she doing in this time of night?

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Where stories live. Discover now